Thief

25 1 0
                                    

        "Malapit na ba tayo sa Galearon?" ang tanong ni Kasio sa babae, pero ang tunay niyang pakay ay magpapansin para makausap ito.

        "Ayun! Nakikita ko na ang bayan" turo nang babae sa magandang lungsod.

        "Ang laki" ang pag hanga ni Kasio.

        "Sa wakas makakarating narin tayo" ang sambit ni Ban.

        Nakatuon ang pansin ni Gon sa kawatan dahil baka tumakas ito. Hindi pa rin umiimik si Lars, alam niyang hindi siya makakatakas kahit subukan niya pa ito.

        Habang sila'y nag-lalakad, napansin ni Ban ang mga goblin. Papunta sa kanilang direksyon, kaya sinenyasan niya ang kanyang mga kasama na mag-tago.

        Nagmamartsa ang mga goblin, dalawang daan ang bilang. Dala ng mga goblin ang kanilang mga armas pandigma. Sinilip ito ni Kasio mula sa kanilang pinag-tataguang malaking bato, palapit na nang palapit ang mga ito at pabilis nang pabilis naman ang tibok ng kanyang puso.

        "Kahit anong mangyari wag kang lalabas." ang sambit ni Ban sa dalagita at pinatago sa butas na isang tao lang ang mag-kakasya at tinakpan ito nang kapa.

        "Sabay tayong mamatay aking kapatid at kaibigan." sambit ni Gon at nag-handa sa pakikipag-laban. "anong panagalan mo kawatan?"

        "Lars." ang sambit ng kawatan na di nag-babago ang emosyon ng mukha nang ito'y dinakip nila.

        "Pasensya na, sa pag-sama namin sa iyo dito." ang sambit ni Ban. "Handa ka na bang pumunta sa kabilang buhay?" 

        Hindi nag-salita si Lars, ngunit may sagot siyang ngiti na kakaiba. Naririnig na nila ang mga yabag ng goblin at handa na ilang makipag-laban nang tumakbo si Lars papalayo sa direksyon ng malaking bato. Kahit alam niyang ikakamatay niya ito. Napukaw ang pansin sa kanya nang mga goblin.

        Hinabol nang mga goblin si Lars. Sa buong buhay ng kawatan ngayon niya lang ito naramdaman, ang matinding takot at sobrang bilis nang tibok ng puso.

        Nanginginig ang buong katawan niya nang marinig ang malilikot na boses ng mga goblin, kaya natapilok siya pero kailangan niyang tumayo at sinasabi sa sarili na "Hindi ngayon." na paulit-ulit.

        Tumusok ang palaso sa lupa sa harapan ni Lars na doon niya nalaman na kailangan niya umiwas sa mga ito. Nasubsob siya nang tamaan ang kanyang paa ang bato.

        Sinubukan niyang tumayo, ngunit kahit gawin niya ito ay maaabutan na siya ng mga goblin nang biglang may sumigaw sa hindi kalayuan na nakakabayo.

        "Lusoooob!!!"

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon