Druid

17 1 0
                                    

        "Nasaan ang mga ginto ko?" tanong ng isang nilalang na maliit at may matulis na ilong at tenga.

        "Hindi ko alam" sagot nang maliit na berde ang kulay.

        Sa kanilang pag-uusap ay nauwi sa away ang kahihinatnan. Parehas silang nawalan ng ilong. Ngunit walang nagpapatalo hanggang nilapa sila ng asong lobo. Malakas ang lobo at makikita sa kanya ang bilog na mata na parang buwan.

        Nalaglag sa goblin ang ginto at inamoy ito nang lobo. Hindi niya alam ang halga nito pero lagi niyang itong itinatago. Galit siya sa mga goblin dahil pinuputol nang mga ito ang mga kahoy at ginagamit sa panggatong. Ayaw niyang nasisira ang kalikasan na tahanan niya.

        Malapit ng lumubog ang buwan at pasikat na ang araw, nanghihina siya, nahihilo. Palapit na siya sa talon, nang mawalan ito nang malay. Bumagsak ito na parang poste. Kagat-kagat ang supot ng mga ginto.

        Nag-bago ang kanyang anyo, ang kaninang mabangis na lobo ay naging maamong elves. 

        Habang naglalakad ang isang dalaga na pangalan ay Elizabeth ay nakita niya ang isang nilalang na walang saplot at nakahiga sa lupa na katabi nang malaking puno. Nagulat ito at nalaglag ang mga mansanas na dala. Tinignan nya ito nang maigi kahit pumuputok ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya tumakbo sa takot. Lumapit pa siya. Hinawakan ang matulis na tenga at hinipo ang kael na buhok. Hindi pinansin nang babae na nakahubad ang allaking elves.

        Malamig ang simoy ng hangin na bumabalot sa isang babae at sa isang lalaki sa gitna ng gubat.

        Inihimas ng babe ang mukha ng lalaki habang tinitignan ito. Dahan-dahang bumubukas ang elves ngunit ito'y malabo. Nakikiliti siya sa paghawak nang babae, hindi siya sanay roon. Unti-unting lumilinaw ang kanyang paningin at nasisilayan na ang magandang mukha nang babae. Nang napansin niya na wala siyang saplot ay napa-iwas siya at kumawala na kinagulat nang dalaga.

        "Nagising karin!" ang sambit ng dalaga. KItang-kita niya ang buong katawan nang lalaki.

        Dahan-dahang lumalapit ang babae habang paatras ang lalaki. Hinahabot niya ang mukha ng lalaki, gamit ang kanyang maputi at makinis na kamay.

        "Wag kang matakot" ang sambit ng babae. "Hindi ako nananakit"

        Inamoy naman ng lalaki ang kamay at ang buhok hanggang sa buong katawan. Parang, naging maamong lobo ang elves. Hindi marunong magsalita ang lalaki, kaya hindi sila nagkaintindihan. Naintindihan siya ng dalaga nang niyaya niya itong sumama.

        Sinenyasan siya ng babae na wala siyang saplot kaya kinuha ng lalaki ang kanyang damit at ang supot ng ginto, ngunit hindi niya napansin na gumahan ito. Ginamit nila ang lubid para pumunta sa ibang puno, inulit-ulit nya ito hanggang makapunta sa talon. Lumangoy sila doon at nakarating sila sa kweba. Madilim. Malamig at maingay ang pagbagsak ng tubig sa talon. Ngunit sa dulo ay may nakatagong kakaiba na hindi pa nasisilayan ng babae sa buong buhay niya.

        

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon