Druid

21 1 0
                                    

        "Anong ginagawa niya?" ang tanong ni Kasio. Nagtataka siya kung bakit kakaiba ang kilos nang elves, inaamoy ang paligid bago dumaan sa lugar na tatahakin.

        "Tinuturo niya sa atin ang daan, sumunod lang tayo" ang sagot ni Ban, sabay kuha sa kanyang inumang tubig at tinungga ito.

        Umaagos ang tubig sa mukha ni Gon na nagmumula sa kanyang katawan. Kanina pa siya hirap na hirap sa pagbuhat sa kawatan na nakatali parin ng lubid. binagsak niya ito na parang laruan at gumulong gulong pababa. Hindi man lang ito nagsalita.

        "Bakit mo binagsak?" ang tanong ni Kasio.

        "Ang bigat kaya! Ikaw kaya ang mag buhat!" ang inis na sabi ni Gon.

        Lumapit ang elves sa kinaroroonan nang kawatan, kanina pa siya natutuwa sa buhok nito dahi kulay yebe at maganda ang paggkabagsak nang buhok nito. Tinanggal niya ang gapos nang kawatan para maging komportable ito.

        "Pigilan nyo siya- " ang sambit ni Kasio ngunit inawat siya ni Ban.

"Pabayaan mo" ang sambit ni Ban at tumingin sa kawatan. "Wag kang magkakamaling tumakas sa amin kungdi, tapos ang buhay mo" ang babala niya.

        "Tama, tatanggalin ko ang mala pusa mong mga mata!" ang sambit ni Gon.

        Nagpatuloy sila sa paglalakad, masyadong mapuno ang kanilang tinatahak ng maisip ni kasio na kumanta nalang at magsaya.

'Nagandahan sila nang makita ang isang talon at napaka linis ng tubig ngunit mas umakit nang pansin ang babaeng naliligo dito. Nakahubad. Natatakpan ng mahabang buhok ang kanyang maselang pantaas habang nakalubog sa tubig ang kanyang magandang katawan. Ngayun lang ito nasaksihan nang elves.

        "Kailangan mo ba nang tulong?" ang tanong ni Ban sa dalagita na inabot ang kamay.

        "Hindi, Pakikuha nalang nang mga damit ko" ang sambit nang dalaga habang nakatingin nang masama.

        "Masusunod binibini" ang magandang tinig ni Ban. Kinuha niya ang damit at dahan dahang inabot habang matamis na nakangiti.

        Dali namang inabot nang dalagita ang kanyang damit at lumangoy papunta sa maaking bato para doon magbihis. Hindi niya namalayan na may nagmamasid sa kanya sa likuran. Mabilis naman niyang nasuot ang damit.

        Nagulat si Ban sa pangyayari at napaturo ito, sinundan naman nang tingin nito nang dalaga. Akala niya siya ang tinuturo ngunit hindi. Kaya napatingin siya sa likod.

        "Elves!" galit na sambit nito at naghanda para sa pakikipaglaban kahit wala naman siyang armas.

        "Huminahon ka binibini. Mabait siya hindi na nangangagat" ang pag-awat ni Ban.

        "Bakit mo siya kasama?"

        "Tinuturo niya sa amin ang dahan patungong Galearon."

        "May iba kapang kasama?"

       "Oo, ayun sila oh" Inangat ni Kasio at Gon ang kanilang kamay.

        "Hindi nyo siya kailangan, alam ko ang daan."

        Nakatayo sa taas nang sanga ang elves habang nakatingin sa mga taong nakasama na niilisan ang kanyang tahanang gubat.

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon