Druid

25 1 0
                                    

        Bilog ang buwan, kasama ang kumikinang na bituwin. Binabalot nang dilim ang gubat syudad. Dahan-dahang pinagmamasdan nang asong lobo ang kanyang kapaligiran. Inaamoy ang balita, nang bigla niyang narinig ang mga yabag. Mabilis na nag tatakbuhan ang mga tao at sinundan ito nang lobo.

        "TAkbo!!!" ang sambit nang lalaki na may kargang tao sa balikat. Tatlo sila na kumakaripas ang takbo, kahit gabi na ay tagatak parin ang kanilang pawis. Minamasdan lang sila nang asong lobo.

        "Ang mga goblin, wala na ba sila?" ang tanong ni Gon habang nag-aabol nang hininga.

        "Wala na siguro" ang sambit ni Kasio. "Salamat naman."

        "Peste talaga ang mga goblin!" ang reklamo ni Ban sabay baba sa magnanakaw na kanina niya pang buhat-buhat. "Mag-pahinga muna tayo dito. Gon tali mo muna ito sa puno. Baka makatakas pa"

        Nagpalipas sila nang gabi sa gubat. Hindi na sila gumawa nang siga dahil baka makita lang ito nang mga goblin. Tiniis nila an lamig nang gubat lalong-lalo na ang kagat nang mga insekto, naging musika sa kanilang tenga ang kanta nang mga puno. Hanggang makatulog sila.

        Unti-unting nagliliwanag ang loob nang gubat dahil sa sikat nang araw. Nagising si Gon na nakayakap sa kanya si Kasio. Tinulak niya ito ngunit hindi man lang nagising. Inangat niya ang kanya katawan at umupo. Napansin niya ang kanyang kapatid na namumula ang mga mata at maitim ang ibaba nito.

        "Bakit gising ka pa din, hindi ka ba natulog?" tanong ni Gon sa kanyang kapatid na dilat ang mata at gigil ang mga ngipin.

        "Hindi ako naka-tulog, dahil sa alulong ng lobo." ang sagot ni Ban.

        "Oo nga pala, ayaw mo ang mga alulong ng lobo. Takot ka nga pala sa mga iyun" ang pang aasar ni Gon. May naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan. Pinipigilan ang gripo na malapit nang sumabog. "Teka lang, saglit" nagpaalam siya at pumunta sa isang puno.

        Wag ka diyan, papanghe dito" ang sabi ni Kasio na kakagising lang. Lumayo naman si Gon para ibuhos ang kanyang gripo.

        "Gising kana pala" ang sambit ni Ban sa magnanakaw ngunit hindi siya pinapansin nito.

        Habang inaayos ni Gon ang kanyang sinturon, napansin niya ang mga kulay berdeng gumagalaw. Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan nang kanyang mga kasama.

        "Ang mga goblin, nasundan tayo!" ang sigaw ni Gon. Naghanda kaagad ang tatlo sa pakikipaglaban, dumating ang mga goblin na sampu ang bilang.

        Ang mga goblin ay maliliit, kasing baba nang mga unano ngunit sila ay payat at laging nakayuko kaya nag mumukhang mas maliit pa sila sa unano. Kulay berde ang kanilang balat at meron silang matutulis na tenga, ilong at baba. Dala dala ang kanilang sandata na gamit panggawa.

        "May naaamoy akong ginto, bigay nyo saamin yan!" ang sambit nang pinunong goblin. Ngunit naglaban ang mga tao, nang may dumating na isang elves na may hawak na palakul sa itaas nang puno. Nabulabog niya ang uwak na tumutuka nang uod.

        

        

       

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon