Captain

14 1 0
                                    

        "Ang tagumpay ay nasa atin, sa paglusob sa mga halimaw, ay hindi tayo natalo, dahil sa kagalingan nang pamumuno ni Altharoz!" ang kanta ng mga sundalo sa bahay inuman.

        Maingay at masaya ang mga tao dahil sa kanilang tagumpay sa pakikipaglaban dito sa bahay inuman habang pinapanood ang pagsayaw ni Elena ang napakagandang babae. Sumasayaw siya na parang dyosa at lahat ay nakatuon sa kanya. Bumabaha ng alak sa sahig at nagkakalat ang kwentong barbero at maririnig dito ang pag-uuntugan ng mga basong gawa sa kahoy.

        Masayang nag-uusap si Altharoz at Bidel sa magarang upuan ng dumating ang isang nakahood na binasag ang kaingayan. Tumingin lahat sa kanya, alam ng mga tao na isa itong ranger. Wala pang nakakakita nang mukha ng isang ranger, dahil sila ay nakamaskara at sa likod nito makikita ang pana at palaso. Kulay berde ang kanyang suot, maganda ang tindig nito sa paglalakad. Umupo siya sa tabi ni Bonton na hindi napansin nito dahil abala siya sa pagkukwento ng kanyang buhay.

        "Ano ang order niyo ginoo?" ang tanong ng bartender sa ranger.

        "Gatas" ang mahinahong sambit ng ranger sabay tawanan ang lahat. Balik sa kwentuhan na parang walang nang yari.

        Matalas ang pandinig ng mga ranger, pinakikinggan nila ang mga importanteng impormasyon na makukuha nila sa ibat-ibang lugar. Kaya alam nang ranger na nagsisinungaling ang katabi niya.

        Hinihintay nilang malasing si Berto, dahil magaling itong magkwento pag lasing. At sinasabayan nila ng tugtog nang musika para mas maganda ang kanyang sasambitin.

        "Sa pagpasok ng bilog na buwan ay sasabayan ito nang matinding alulong ng asong lobo at ang senyas ng patay." ang panimula ni berto. Nanginig si Bonton at napa-inom ng diretso. "Wala pang nakakakita sa halimaw na ito na buhay pa hanggang ngayun" ang ibang nakikinig ay nanginig sa takot at merong naihi sa salawal ng wala sa oras. "Sabi ng iba nag-iiba ito nang anyo na nagiging lobo at naghahanap ng pagkain at ang paborito nito ang mga tupa."

        "Nabiktima niya ang tupa ko, siguro siya ang kumuha nun!" ang sabat ng lasenggo.

        Napukaw ang pansin ng ranger sa kwento bago pa siya tumayo at umalis.

        "Tara hanapin natin ang halimaw!" ang sigaw ni Altharoz.

        "Mapanganib, dahil oras na tumingin ka sa kanyang mga mataay ikamamatay mo"ang paalala ni Berto.

        "Ano ba kayo? sa goblin nga hindi tayo natatakot sa isa pa kayang halimaw?" ang tanong ni Altharoz.

        "Sino gustong sumama?" ang tanong ni Bidel.

        "Kapitan?" ang sambit ni Bonton at tumingin kay Selso "Sasama kaba Selso?" ngunit wala itong sagot. 

        Madami ang sumama, kasama na ang Ranger dahil gusto niyang malaman ang tungkol sa asong lobo. Nagdala sila ng mga torch dahil alam nilang sa dilim ito nagtatago.

        

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon