Dumating ang grupo nila Ban sa Galearon, namangha si Lars sa kanyang nakita. Isang palasyo na malaki at may magandang desenyo. Matatnaw ito, bago pa makapasok sa lungsod. Matindi ang pagbantay dito ng mga sundalo, sapagkat nilulusob ito ng mga goblin lalo na ng mga taong gubat. Simula pa nang matayo ito ni Lanselot ang unang Emperor ng mga tao ay wala pang nakatalo sa depensa nito.
"Sa wakas nakarating rin tayo sa Galearon" ang paulit ulit na sabi ni Kasio.
"Anong gagawin natin dito?" ang mahinahon na tanong ni Lars.
"kukunin natin ang hiyas na bato. Kaibigan" ang sagot ni Ban.
"Bakit ako ang sinama niyo?"
"Mabilis ka kasing tumakbo, kailangan namin ang abilidiad mo."
"At dahil maliit ka. Kaya mong matakasan ang mga gwardya. Matagal ka na naming sinusubaybayan. Katulad ng una naming kunin ang ninakaw mo. NAtatandaan mo ba iyon? Siguro. Oo . Hindi mo makakalimutan iyon!" ang sabat ni Gon.
Hindi siya pinansin ni Lars at patuloy na kina-usap si Ban. Hindi rin kumikibo ang babe pati ang pangalan nito hindi nila makuha.
"Salamat sa pagsama niyo saakin, kung hindi dahil sa inyo, siguro pinatay na ako ng mga goblin" ang sambit ng dalaga.
"Walang anuman, magandang dalagita" ang sambit ni Ban.
Nagpaalam ang babae at umalis na walang sinasabing impormasyon sa kanyang sarili. Naintindihan naman ito nila Ban at nag-iba na sila ng landas.
"May magandang palabas dito sa Galearon, gusto niyong mapanuod?" ang tanong ni Ban.
"Anong klaseng palabas?"ang tanong ni Kasio "Mga babae bang sumasayaw?"
"HAha, hindi" ang sagot ni Gon. " Sa tingin mo Lars?"
Hindi sumagot si Lars at ito ang kinagalit ni Gon. Ayaw niyang hindi sumasagot ang kanyang kinakausap. Nag-sarado ang kanayang kamao at napansin ito ni Ban, kaya naawat ito. Pikunin si Gon dahil sa tingin niya pag hindi siya sinasagot ay minamaliit siya.
Sa kanilang paglalakad ay nasulyapan nila ang mga taong nag-aaway. Dalawa laban sa sampu. Gusto sanang tumulong ni Ban ngunit ninais niya nalang manuod. Isang matanda na may hawak na lalagyan nang alak at tinutunnga ito kada isang minuto at sa kanyang likuran isang binatilyong lalaki na kulay pula ang buhok na parang kakagising lang. Silang dalawa ay laban sa sampu. Lugi sila sa tingin ng mga manunuod dahil sa dami ng kaaway at matitipuno pa ito. Ngunit sa kanilang galing, gamit ang kamao, natalo nila ang mga ito at pinaghingi ng tawad.
"BAgo muna tayo pumunta sa Iapapkita mo-" ang sambit ni Kasio "Pumunta muna tayo sa Bahay alak"
Pumunta sila sa bahay alak para manood ng kakaibang palabas. Nadaanan nila ang mga sundalong papaalis. Nagsaya sila at pagkatapos ay pumunta sa Arena para makipag pustahan sa kanilang paboritong palaro.

BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasyMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...