Madilim ang paligid at may nag-babadyang panganib sa ulap ng kalangitan. Isang tunog na malakas ang ikinakagulat nang mga nakakakita nito, at isang saglit pa ay mang-wawarak ang kidlat.
"Tamang tama ang panahon para sa atin huling pag-lusob sa mga ork." ang sambit ni Drakiz, katulad ng dati, lagi niyang pinapa-una ang mga mo'ug para sa pag-lusob. Malaki ang katawan nito at may malaking espada, hindi sila gumagamit ng panangala. Hindi lahat ng katawan nila ay nababalutan ng balote.
Marami ang bilang ng mga mo'ug. Ginagawang sundalo ito ni Drakiz para sa kanyang pag-lusob sa mga tao. Ang kanilang kahel na balat ay naging itim at nag-bago ang kanilang matapang na mukha na naging nakaka-takot.
Maganda ang pag-kapila nang mga ito, sinusunod nila ang utos ni Asgail The Wicked General. Si Asgail ay may malaki at may tatlong sungay sa ulo. Meron rin siyang pakpak nang paniki na hindi naman naga-gamit dahil siya'y mabigat. Ang kanyang ibaba ay parang kabayo na apat ang paa at may malikot na buntot.
Sa hindi kalayuan. Ang mga ork ay naka-handa na, sakay nang mga asong lobo. Ang lobo ang kanilang sasakyan pandigma, tinuturuan nila ito at napa-amo. Maganda ang pagiging isa ng lobo at ork. Limang pung libo ang kanilang dami. Sampung libo ang nakasakay sa mga lobo. Dala nila ang kanilang baner na may lobong naka ukit dito.
Nakasuot ang mga ork nang makapal na balat ng hayop. Iba iba ang itsura nang pagkasuot nila dito. IBa iba rin ang kanilang mga sandata, madalas ay gawa sa kahoy ang iba ay sa bakal. Magaling sila sa paggamit nang maso, palakul at espada.
"Paano natin matatalo ang mga kalaban?" tanong ni Kaleb ang kanang kamay ni Algor.
"Ipaliwanag nyo sa kanya" ang sambit ni Algor sa matandang ork.
"Kailangan lang nating gawin, ay patayin ang pinuno nila" ang basag na boses na galing sa matandang shaman.
"Paano natin magagawa iyon?" ang tanong ni Kaleb. "At sino ang makakagawa nun?"
"Ang kahinaan nang mga daemon ay ang kanilang puso. Nasasaad ito sa matandang alamat." ang paliwanag ng shaman.
"At ako ang gagawa nun!" ang sabat ni Algor at tumingin kay Kaleb "Wag mong aayahan na masawi ka sa labanan, aking kaibigan. Tutulungan mo pa ang aking anak para mamuno sa ating angkan." Tumango naman sa kanya si Kaleb.
Tinaas ni Kaleb ang bandera. Hudyat ito para sa paghanda sa pakikipaglaban.
"Aking mga kapatid! kaibigan!" sigaw ni Algor sa kanyang hukbo "Samahan nyo ako sa iyak ng kamatayan! Kung hindi man tayo magtatagumpay, pinakita naman natin na hindi tayo natatakot sa kanila at kung mag tatagumpay tayo ipapakita natin ang mga buto at kalansay nila sa buong mundo na tayo ang kumitil sa kanilang madilim na buhay!" madami pang sinabi si Algor na mahirap nang tandaan, pero ang huli niyang sinabi.
"LUUUSOOOB!!!
"Ihanda ang mga Warlock, sabihin sa kanila na pakawalan ang mga Golem" ang sambit ni Asgail.
BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasyMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...