"Lusob!!!" ang sigaw ng komander kasama ang limang daang hukbo ng mga tao. Dala nila ang kulay pulang bandera na may disenyong lumilipad na phoenix. Siya ang namumuno sa limang kapitan na may sundalong isang daan ang bawat isa. Ang kanilang mga yapak ay nakakataas nang balahibo at tama na ito para matakot ang mga goblin na may dalawang daan ang bilang. Ang mga sundalo ay may malaking parisukat na panangga at may balote sa kanilang katawan, kasama ang makalawang na helmet.
Nag-salpukan ang dalawang kampo at nag-patayan gamit ang kanilang mga sandata. Maliliit lang ang mga goblin at mahihina ang mga ito kaya madaling nalipon ito nang hukbo ni Altharoz. Ang komander ng hukbong ito. Pagkatapos nilang lipulin ang mga goblin ay nagsaya sila at sinigaw ang pangalang-
"Altharoz!"
Sinunog nila ang katawan ng mga goblin at nilagay sa dulo nang sibat ang mga ulo nito na nakatayo. Madali namang lumusob ang mga uwak para pag pyestahan ang mga ito. Madami ring nasawi sa mga tao at kinuha nila ang mga katawan ng mga tao para bigyan ng magandang libing at parangalan sa pakikibaka.
Hindi maipaliwanag ang lungkot na taglay ng mukha ni Selso dahil hanggang ngayun ay malubha parin ang kalagayan ni Rosh, habang ang iba nilang kasama ay nagsasaya. Hawak nila ang wagon na pinaglalagyan ng mga bangkay nang mga sundalo. Tinutulak nila ito pahatid sa Galearon para ipakita sa mga sawing palad na pamilya. Ang kanilang hukbo ang naatasan para mailibing ang mga bangkay. Hindi naman nakatanggi ang kapitan kahit ayaw niya ang ganitong gawain.
Ginagalang ng kapitan ang utos nag nakakataas, lalona't ang kanyang komandante ay matalik na kaibigan nang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki.
Sa labanan madaming namatay o kaya'y nasugatan na sundalo at ang ilan ay nawalan ng ibang bahagi nang katawan. Meron ring nahimatay, kabilang na dito si Bonton. Habang siya'y lumulusob, kasama ang kanyang malakas na sigaw ay tumama sa kanya ang isang bato na nagmula sa hinagis ng mga goblin at kinatulog niya ito.
Ngayun ay nagpapahinga siya kasama ang ibang mga nasugatan na nagpapalitan nang kwento, tungkol sa kanilang natamong sugat sa pakikipaglaban.
"Naputol ang aking hintuturo" sabay tawa ng malakas "Kinagat ito nang goblin, pero pinalamon ko sa kanya ang aking sibat hahaha!" ang kwento ng matandang sundalo.
"Natanggal ang pinakahuli kong ngipin nang hinampas ako ng pala. Punyemas! Wala na akong ngipin" ang sambit nito sabay ngiti, ngunit nasagwaan sa kanyang mukha ang mga kasama nito.
"Ikaw pogi? anong ginawa mo sa labanan?" ang tanong nang nawalan ng ngipin kay Bonton. Napalunok si Bonton ng wala sa oras, dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
Isang nakakabayo ang dumating sa kinaroroonan ng kapitan. Lahat dito'y gumalang at nagpugay.
"Bidel" ang sambit ng nakakabayo. "May balita na ako sa kuya mo, kasama niya ang Emperor. Siguradong may malaki silang misyon. Naiingit talaga ako sa aking kaibigan, buti pa siya isa nang Heneral".

BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasíaMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...