Daemon

25 1 0
                                        

        Matayog ang lipad nang uwak sa himpapawid. Ilang araw narin siyang nag lalakbay. Gustong-gusto niya makinig nang mga balita. Dumapo siya sa isang bato. Nakatingin sa maskuladong nialalng na kulay berde ang balat at mas malaki nang kaunti sa tao. Ang kanyang pangil sa ibaba ay napakalaki. May buhok siyang nakatali at may balbas na maigsi, may suot siyang balat nang lobo at may hawak na palakul.

        "Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito" ang sambit ni Garod sa mga ka uring mga ork. Siya ang pinagmamasdan nang uwak.

        "Hindi ako papayag! pinatay nila ang aking ama!" sambit ni Algor.

        "Nag- sakripisyo ang iyong ama, para makatakas tayo!" ang sagot ni Garod.

        "Tama siya, Algor. Hindi natin kaya ang mga Daemon" sabat ni Saprak.

        "Kung gusto niyo umalis, walang aawat sa inyo! saan naman kayo pupunta Garod sa kaibigan mong mga tao? Hindi mapagkakatiwalaan ang mga iyun. Kung tayo ang magtutulungan kaya natin ipagtanggol ang ating mga lipi!" ang paliwanag ni Algor.

        "Iligtas mo ang iyong mga ork, wag ang iyong galit. Kung buhay pa ang tatay mo ililigtas niya ang kanyang nasasakupan sa panganib" ang sambit ni Garod. Tumalikod ito at umalis nang hindi nag papaalam.

        "Pagsisihan mo ito Garod! pangako ko sa iyo!" ang sigaw ni Algor. Lumipad ang uwak nang alam niyang tapos na ang usapan.

        Sa ka nilang paglalakad, dilim ang bumabalot sa kanilang palagid, panganib na nag uudyat, ang aninong bumabalot sa kanilang katawan at apoy na nagliliyab sa mga may buhay sa kanilang daan. Hindi nila alam kung bakit sila naglalakbay, sumusuonod sila sa kanilang pinuno na si Superbia na isang Asura. Siya ang pinakamagaling na swordsman sa buong mundo gamit ang itim na kapangyarihan.

        "Panginoon nandito na ang uwak na may dalang balita. Umalis na daw ang mga Darkheart clan ngunit hindi ang mga Battlehead clan na mga ork. Didipensahan nila ang kanilang tirahan" ang sambit ni Bladimir na may buong paggalang.

        "Magaling" nakakatakot na tinig mula kay Drakiz "Lusubin sila hanggang mapatay silang lahat."

        "Panginoon saan tayo tutungo?" ang tanong ni Oid sa kanyang ama.

        "Papunta tayo sa Kapis para hanapin ang Geas." ang sagot ni Drakiz.

        "Ang Geas? Ang susi sa kapangyarihan."

        "Tama." ang sambit ni Drakiz.

        "Ngunit ang mga prinsipeng mlga Asura ang naghahanap dito. Baka maging kalaban natin sila."

        "Kung gayun, didigmain natin sila." Malakas ang pitong  Asura ngunit lahat sila may kahinaan. "Hindi natin sila pwedeng kalabanin lahat, kailangan makipag-alyansa tayo sa ibang Asura at pag-awayin sila."

        "Ayon sa alamat pwedeng makuha ang kapangyarihan ng mga prinsipe, hindi ko inasahan na gagawin niyo ito panginoon." ang sambit ni Oid.

        "Hindi ako ang kukuha, kundi ay ikaw."

        "Bakit ako?"

        "Dahil ikaw ang papalit sa aking trono at alam kong matatalo mo ang emperyo ng mga tao. Hindi kagaya ng mga Asura, ang kanilang unang pag-lusob sa emperyo ay kabiguaan ang dulot sa kanila."

        "Dahil pito silang namumuno sa isang hukbo at dahil doon sila ang nag-aaway. Habang nag-kakagulo sila iniwan nila ang kanilang mga hukbo na nilupig ng mga tao, at ngayon tnag-tatago sila sa ibat-ibang lugar na walang pinamumunuan. Ang prinsipe sa kanilang pangalan ay titulo na lang at wala nang saysay.

        "Ngayon ang kanilang pag-asa ay nasa Geas na lamang." ang sabat ni Oid

        "Tama ang sinabi mo." ang sambit ni Drakiz na nakatingin sa direksyon ng emperyo nang mga tao.

      

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon