Emperor

24 1 0
                                    

                Sa maganda at malaking silid ay may magarang upuan na pinalilibutan ng ibat-ibang mamahaling bato. Ang upuan na iyon ang inaasam ng mga tao na nasa loob.  Isa lang ang maaaring umupo, ang nag-mamay-ari ng korona.

                Kakaupo pa lang nang Emperor  ay  may dumating na mensahero .  Agad naman nag-handa si Erudon, ang Aegis Knight, dahil madaming banta sa buhay nang Emperor. Napatingin naman lahat sa mensahero dahil isa itong ork.

                “Ano ang iyong sadya aking kaibigan?” tanong ni Valician “Mukhang mahalaga ang iyong mensahe”

                “Tama kayo aking panginoon, may mahalagang mensahe ako sa inyo”

                “Mag patuloy ka” ang sambit nang Emperor.

                “May panganib sa hilaga, ang mga daemon ay parating na! Ang kinakatakutan nang lahat  ay malapit nang maganap.” Sambit nang mensaherong ork.          “May hinihiling sa inyo ang aming Chieftain na si Garod.

                “Ano iyon? Aking kaibigan”

“Gusto kayo maka-usap ng aming Chieftain nang personal.”

“Tumawag kayo, sumagot  kami.” Ang sambit ni Valician.

Pinapunta ni Valician ang mga pinuno nang pitong kaharian sa Aenilla para pag-usapan ang mga balita.

Pag-lipas ng ilang araw dumating ang mga pinuno mula sa ibat-ibang kaharian.  Kumpleto na ang pinatawag  nang Emperor. Nanduon  ang Baron, Lord, Admiral, Queen, King, Sultan at Pharoh. Pinag-usapan nila ang solusyon sa pag-dating ng mga deamon  at napag-kasunduan na tutulungan ang mga ork.

Bumiyahe ang Emperor patungong Alakazan gamit ang malaking barko. Nilabanan nang kapitan ang mga alon, habang ang mga naka-sakay  ay masayang nanonood.

“Hindi ko pa naitatanong sa iyo ang pangalan mo ginoong ork.” Ang sambit ni Valician.

“Ako si Balrog The Broken Teeth.”

“Magandang pangalan.” Ang sambit ni Erudon.

“Kamusta na si Garud? Balrog.”

“Maayos naman ang kanyang kalusuagn ngunit may sakunang darating sa amin. Si chieftain na lang ang nag-sabi sa inyo Panginoon.”

“Akala ko ang mga ork ay walang respeto sa aming mga tao. Nag-kamali pala ako.” Amg sambit ni Minor.

“Gumagalang kami sa aming mga kakampi, wag mong iisipin na kami ay walang utak.” Ang sagot ni Balrog.

Tama siya, humingi ka nang paumanhin sa kanya Minor.” ang sabi ng Emperor.

“Masusunod po kamahalan.” Ang sambit ni Minor at tumingin kay Balrog. “Patawarin mo sana ako aking kaibigan.”

Walang sinabi si Balrog pero hindi niya malilimutan ang sinabi ni Minor. Ang kanyang nakakatakot na tingin ay pinag-walang bahala nang Advisor.

Nakarating sila sa Alakazan, Masaya silang tinanggap, dahil ang Emperor ismo ang pumunta sa kanilang lugar. Hindi maalis sa isipan ni Valician ang paborito niyang libangan ang mga Gladiator.

                

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon