Mga bato na galing sa kalawakan. Itoy nagliliyab. Nakita ito nang mga ork, ngunit wala siangg paki-alam dito, sinusundan parin nila ang mga ibang ork na nakasakay sa asong obo na pinamumunuan ni Algor.
Para silang mga langgam sa tingin ng mga agila sa kalangitan. Ang kanilang mga yabag ay nakakatakot kasama ang kanilang pinagssama-samang mga siga na nakakabingi at nakakatakot ngunit hindi naabbahala dito ang mga pinunong daemon. Habang mga mo'ug ay dinapuan nang kaba na hindi pa nila nararanasan sa ibang uri, maliban sa mga daemon.
Galit na galit ang mg ork makikita ito sa pagbuka ng kanilang bunganga na may tumatalsik na laway. Papalapit narin sila sa mga mo'ug na naghanda sa pagsalpukan ng dalawang kampo. Tinutok nang mo'ug ang kanilang espada sa mga asong lobo para hindi sila masagasaan nito. Sa kanilang pagsalpukan namatay ang mga nangugnunang ork ngunit hindi napigilan ang pagsagasa nang mga ito dahil napakarami nila. Magaling na mandirigma ang mga ork ngunit nahirapan sila dahil mabagsik sa digmaan ang mga mo'ug.
Sinagasahan ang mga moug, ang iba ay namatay kaagad nguni ang iba ay hindi, pero hindi parin sila makakaligtas dahil sa pagbangon nila ay masasalubong nila ang infranty nang mga ork na tumatakbo. Nasisilayan na ni Algor si Drakiz sa isang mataas na bato.
"Wag kayong titigil!!!" ang sigaw ni Algor. "Samahan nyo ako sa tagumpay!" lalong lumakas ang loob nang mga ork at tumapang lalo ang mga lobo.
Papalapit na ng papalapit sila kay Drakiz ng biglang bumagsak sa kanila ang bulalakaw.
Tumalsik si Algor sa kanyang lobo at gumulong-gulong ito. Ganun rin ang mga kasama niyang mga ork. Ngunit lalo silang naguat ng nabuo at bumangon ang kaninang bulalakaw na naging golem na lumiliyab.
"Imposible!!!" ang pagkagulat ni Algor. Ngayun lang siya nakakita ng golem. may taas ito nang tatlong pinagpatong na tao.
Sinusuntok nang golem ang lahat ng orc na makikita niya kahit tamaan pa ang mga masunuring mga mo'ug.
Isa, dalawa, tatlo. Walong golem lahat ang bumagsak sa lupa galing sa kalawakan. Naglaho ang mga nilalang na nabagsakan nito at nagkaroon nang malaking butas ang lupa, ngunit katulad nang unang bulalakaw naging golem ito.
Hindi inaasahan ni Algor ang ganitong pangyayari. Wala sa kalkula. Wala siyang sunod na plano. Kaya naisipan niya nalang ipagpatuloy kaysa umatras.
Malapit na siya ka'y Drakiz nang humarang ang mga Heneral nito, ngunit pinigilan sila ni Drakiz at sinabing wag silang mangingi-ilam.
Lumabas ang paniking pakpak ni Draki at lumipad sa kinaroroonan ni Algor. Nilabas niya ang kanyang espadang may disenyo na bungo.
Galit na galit na lumusob. si Algor at nag-laban ang dalawa. Napakagaling makipaglaban ni Drakiz hindi siya matamaan nang ork. Ang sugat na natatamo ni Algor ay nagiging itim at parang nialalamon nang dilim. Sa kanilang paglalaban hindi napansin ni Drakiz ang isang lobo na tumalon at kinagat ang kanyang kamay dahil dito nabitawan niya ang kanyang espada na kinuha ni Algor at tinurok sa dibdib nang demonyo. Ngunit hinugot lang ito ni Drakiz at hinawakan sa leeg si Algor at ginamitan nang itim na mahika.

BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasyMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...