"Tatlong-put anim na taong gubat ang makikipaglaban sa mga goblin na bagong huli" ang sambit niang gobernador na si Recimer. Siya ay mabigoteng tao at mahabarin ang kanyang balbas na kinaiksian naman ng kanyang buhok. Siya ang nag-hudyat ng labanan sa Arena. "Ito ay minsan lang maganap, kaya sana maging masaya kayo!" nagpalakpakan ang mga tao, lalo na ang mahilig sa patayan at sugal. "Simulan na ang pag-tatanghal!" Pinalabas ang mga gladiator na taong gubat. MAy nagtas nang kamay at may nagpasikat at bilang lang ang nakatahimik dahil sa takot.
Wala silang kamalay-malay na iba ang kanilang kalaban. Binuksan ang mga kulungan at naglabasan ang mga goblin. Ang bilang nang mga ito ay isang daan. NAgulat ang mga gladiator at naglapitan ito sa isat-isa.
"Magdikit-dikit tayo hawakan niyo ang mga pananggala at pagdikit-dikitin! Kung gusto niyo pang mabuhay ay sumunod kayo!" ang sigaw ni Spertices. Mahilig siyang sumingot ngunit magaling siya sa pakikipaglaban at siya ang kampyon sa larangan ng larong ito, dati rin siyang sundalo.
Natawa sa kanya si Recimer, dahil alam niya na gagawin ito. Kaya may bago siyang regalo. Ilang beses na siyang natalo sa pakikipag-pustahan kay Minor ngunit wala ngayun ang tagapagsalita ng Emperor. Kaya hindi siya makakabawi. Ngunit gusto niyang patayin ang kampyon na alaga ni Minor. Pinalabas niya ang tatlong malalaking nilalang. Malaki ang katawan nito at malaki rin ang tiyan. May sungay sa ulo at malalaking ngipin. Tatlong tao ang taas nito. May kadena sa leeg. Kumakalat ang laway nito. mula sa bunganga hanggang pababa ng katawan papuntang lupa.
"Oger!" ang sigaw ng mga taong gubat. Nilusob sila gamit ang malaking kahoy na may tinik. Hindi napigilan ng pananggala ng mga gladiator ang hampas ng oger kaya tumalsik ang mga ito. May nadikit na tao sa mga tinik at kinuha ng oger ito at kinain ang ulo. Nagtalsikan ang mga dugo. Hindi inaasahan ni Spertices ang pangyayari.
"Maghiwalay-hiwalay kayo!" ang sigaw ni Spertices.
Naghiwalay-hiwalay sila para makaligtas sa bagsik ng mga Oger. Isa pang Oger ang patakbo sa kinaroroonan ni Spertices nang sinalubong ito ni Huelwen. Ngunit na huli siya ng isang Oger na kulay brown. Sinaksak ito ni Huelwen ng espada kaya nabitawan siya ngunit tumama sa kanya ang sandata nang Oger na itim. Kahit siya'y tinamaan nang atake ng Oger ay hindi nawala ang paghanga sa kanya ni Spertices.
"Kunin niyo ang mga sibat!" ang sigaw ni Spertices "Patamaan niyo sa hari para bumagsak" ganun nga ang ginawa nila. Bumagsak ang isang Oger na may hawak na matinik na kahoy.
Habang ang iba ay nakikipaglaban sa mga maliliit na goblin, ang kaakibang grupo ni Spertices na tinatawag na katipunan ay abala sa mga Oger. Napalibutan si Huelwen ng mga goblin, mabuti nailigtas siya ni Omar ang mamatatay tao. Tumakbo papunta sa kinaroroonan ng katipunan ang Oger na brown. Tinanggal ng nasa unahan ang pananggala at hinawakan ng maigi ang sibat at nakatulak sa kanila ang mga taong ay may pananggala. Hindi napigilan ng Oger ang kanyang takbo kaya siya'y tumuhog sa mga sibat.

BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasíaMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...