Daemon

10 1 0
                                        

        Sa madilim at nakaka-kilabot na trono naka-upo ang sugatan na demonyo. Sa kanyang kamay ay may uwak na maraming mata sa noo.

        "Lumayo ka at mag-hanap ng impormasyon!" ang sambit niya sa uwak at lumipad nga ito sa madilim na ulap.

        Sa Delas napadpad ang uwak at minamasid ang mga ork.

        "Bakit pina-iwan ang mga mata-tanda at ang may mga sakit?" ang tanong ni Rigor, sa kanyang chieftain.

        "Hindi natin pwedeng isama sila dahil iyon ang kasunduan." ang sambit ni Garod.

        "Dapat hindi na tayo pumayag."

        "Wag kang mag-alala, hindi sila makikita ng mga Daemon, may plano ako sa kanila. Pina-tago ko sila sa lihim na bundok." ang sagot ni Garod.

        Mahirap ang sinapit ng mga ork. Kaunti lang ang pag-kain natatamo nila. Sa isang pamilya ay isang pag-kain lang ang binibigay. Nakikihati lang ang ork nang pag-kain sa mga sundalo kaya minsan tira na lang ang nakakain nila at hindi na sapat sa isang pamilya. Nag-punta si Garod sa namumuno sa mga tao dito sa Delas.

        "Ano ang sadya mo? munting ork." ang tanong ni Kael.

        "Gusto kong maka-usap ang Emperor." ang sagot ni Garod.

        "Bakit gusto mo siyang kausapin?"

        "Isang mahalagang pag-uusapan na kami lang ang magkaka-unawaan."

        "Wala ang Emperor dito, nasa Sikotor siya."

        "Kung gayun, mag-bigay ka sakanya ng mensahe na gusto ko siyang maka-usap." ang sambit ni Garod at sabay umalis na hindi nag-papaalam.

        Pag-balik niya sa kampo, ang ibang ork ay namatay na sa gutom.

        "Ano ang sabi nila, bibigyan na ba nila tayo ng pag-kain?" ang tanong ni Rigor.

        " Wag kang mag-alala, bibigyan tayo nang Emperor ng pag-kain." ang sagot ni Garod.

        Isang linggo na ang nakakalipas, wala pa rin pag-kain at suporta ang mga ork sa pamumuno ni Kael. Hindi niya makayanan tignan ang kanyang mga kauri na unti-unting namamatay sa gutom. Kahit ang kanyang tawag para maka-usap ang Emperor ay wala pa rin sagot. Nag-kakasakit na ang mga ork, nag-punta ulit ang mga ork kay Kael upang kausapin ito. Sa tarangkahan ng Angkar, dalawa lang ang pinapasok. Si Garod at si Saprak.

        Kina-usap nila si Kael tungkol sa mensahe at pag-kain na hinihinngi nila, ngunit katulad nang dati wala silang nakuha. Pag-alis nila sumenyas si Kael sa kanyang tauhan at naintindihan kaagad ito nang tauhan niya.

        Nagulat si Garod na sinara ang tarangkahan at pinag-sisibat sila nang mga sundalo.

        "Umalis ka na Garod! bilisan mo!!!" ang sigaw ni Saprak. Pag-katapos niyang mag-salita ay tinamaan ang kanyang paa ng sibat at ikinatumba niya ito. Mabilis naman nakadaan si Garod sa tarangkahan. Nasalubong niya ang mga pugot na ulo ng mga ork na nakalagay sa sibat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon