"Nanalo rin ako!" sigaw nang Emperor na tuwang-tuwa. Hindi niya naiwasang tumalon at mapaglarong sumuntok sa braso nang kanyang tagapayo. Ngumiti lang nang matamis si Minor dahil ngayun lang nanalo sa kanya ang emperor sa pagpili kung sino ang mananalo sa Arena. Ang Emperor ay may katandaan na, ngunit kung kumilos siya ay parang binatilyo at mapaglaro. Maaliwalas ang kanyang mukha at may maiksing buhok. Meron siyang suot na pulang kapa. Ang kanyang kalasag ay may desenyong nag-aapoy na agila. "Itong tao na to ay maganda ang pinakita, magaling siyang makipaglaban" sambit nang Emperor at tinaas ang hinlalaki habang nakasarado ang kamao. Binuhay nang Emperor ang taong tribo.
Maganda ang kinalabasan nang palaro, makikita sa mga tao ang pagkakuntento sa labanan. Ngunit hindi sa mga taong tribo. Dahil ang mga buhay nang kapwa nila ang nakasalalay tuwing may palarong nagaganap.
"Bakit ang mga halimaw na ork ay kampi natin?" ang tanong ni Vegaz, Ag pangatlong anak nang Emperor. " Pero sa kapwa nating tao ay hinuhuli mo sila at nilalabanan sa Arena."
Tumingin ang Emperor sa kanyang anak at hinawakan ang dalawang balikat. "Hindi natin sila kauri ! Hindi sila marunong sumunod sa batas at wala slang puso." Ang mabigat na salita ni Valician III sa kanyang anak. "Saka, hindi ako ang may gusto na pag-labanin sila, naging tradisyon na natin iyon simula nang pag-papatayin nila ang ating mga ninuno at sinakripisyo sa kanilang Diyus-diyosan. Matagal na panahon na natin kalaban ang mga ttribo na iyon, simula nang umpisa"
"Paano naman ang mga ork?" Ang tanong ni Vegaz. "Diba mga halimaw sila? Paano natin sila naging kakampi?"
"Hindi lahat nang ork ay masasama, meron mabuti parang tayo. May masama parang mga tribo."
"Totoo ba ang kanta, tungkol sa inyo? Ang mag-kaibigan na si Valician at Garod."
"Totoong nangyari iyon, ngunit hindi lahat ay dapat mong paniwalaan. Mahalin mo ang lahi natin. Madaming uri ang nag-kalat sa mundo na hindi pa natin natutuklasan pero lahat sila ay pwedeng maging banta sa mga tao." Ang aral ni Valician.
"Hindi sila mag-tatagumpay na sirain ang ating tahanan." Ang malakas na salita ni Vegaz.
"Sana nga." Ang banggit ni Valician. Sa kanilang pag-lalakad, sinalubong sila ni Marinet. Ang bagong kina-kasama nang Emperor.
"Kamusta ka na mahal ko?" Ang mainit na tanong ni Marinet sa kanyang minamahal. Si Marinet ay may magandang mukha at mahabang kulot na buhok. Magaling siyang sumayaw lalo na kapag kasama ang Emperor sa walang taong silid.
"Sa silid ko tayo mag-usap." Ang sambit ni Valician sa kanyang asawa. Napansinniyng hindi pa lumalayo sa kanya si Vegaz. "Mag-laro ka muna sa hardin anak.
"Sige ho Ama, Ina." Ang pag-papaalam ni Vegaz.
Hindi pumunta sa hardin si Vegaz, ngunit ang kanyang tinungo ay labas nang lungsod. Dala ang isang supot na may nakalagay na mga ginto. Lagi siyang namimili sa mga pamilihan, mahilig siyang kumain nang kakaibang mga putahe. Lagi siyang nag-papalit nang damit para hindi siya makilala nang sino man sa bayan. Sa kanyang pag-lalakad napansin nanaman niya ang binatang laging hinahabol..
BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasyMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...