Ang mangangalakal ay naglalakbay patungong Aemilla para makipag palitan nang mga gamit sa mga negosyante roon. Masuwerte siya dahil naka sa lubong niya ang mga sundalo na may dalang mga bihag. Binila niya ang mga ito para maging alipin o kaya isabak sa Arena. Dahil sa galing niyang makipag-usap na bili niya ito sa murang halaga. Nakasakay siya sa karwahe at sa likod nito ang mga wagon na may kulungan.
Dahil sa masamang panaginip na gising si Huelwen. Bumungad sa kanya si Reks at tahimik na nag-iisip.
"Gising kana pala." ang sambit ni Reks.
"Nasaan tayo?" tumayo siya ngunit nauntog lang ito, dahil mababa ang makalawang na rehas. "Ang mga bata?" ang tanong nito habang hinihimas ang kanyang bukol.
"Nadakip silang lahat at binenta para maging alipin. Pero sa tingin ko nakatakas si Bentong." Duon lang ito tumingin kay Huelwen.
"Ang makulit na iyon, buti naman nakatakas siya"
"Anong nang yari sa iyo bakit ka nila na huli?"
"Hindi ko alam, pero natatandaan ko na nilusob tayo nang mga demonyo."
"Punyemas! talaga ang mga demonyo" nagtaas ang boses ni Reks. "Ang geas na kuha ba nila ito?" kaya sila nilusob nang mga demonyo ay para makuha ang Geas.
Limang katao silang nagsisiksikan sa isang maliit na rehas at sa tuwing natatamaan nang gulong ang bato ay nauuntog sila. Ang tatlo ay hindi nila kilala. Pero siguradong taong tribo rin ang mga ito. Nakagapos nang kadena ang kanilang kamay habang ganun rin ang mga paa.
"Hindi, nakatakas ito kasama nang iba." ang sagot ni Huelwen.
Bumiyahe sila nang napaka-haba at nakarating sa Titus. Isang bayan na puno nang mangangalakal ngunit hindi iyon ang pakay nang mangangalakal na si Pedro. Maluwag siyang tinanggap dito sa Titus dahil dito siya lumaki.
Dumiretso siya sa maliit na Arena, ang rehas nito ay mga kahoy at ang kanilang inaapakan ay madilaw na buhangin. Sinali niya ang kanyang mga alipin sa madugong palaro nang Arena.
Nagtataka si Huelwen sa Arena, parang pamilyar sa kanya ito. Hindi niya lang mabuo ang kanyang ala-ala. Pumasok sa loob si Reks, ilang minuto lang ay sinunod si Huelwen.
"Sa lahat nang narito maraming salamat sa inyong pagdalo." ang sambit ni Pakmiso sa mga manunuod. "Masaya naming itatanghal ang pinakamagandang laro at pinakahinihintay nang lahat ang magkakamping may sayad." Lahat ay nagdiwang at yumugyog ang mga upuan nang mga manunuod. "Simulan na"
Lumabas ang dalawang manlalaro at nagpasikat. Makikita sa kanilang galos ang matinding pinag-daanan. Sabik sila sa pakikipaglaban, wala silang ginawa kundi pumatay at pagkatapos at iniinom ang mapulang dugong pinaslang nila. Magkakampi na sila, simula pa nang masgustuhan sila nang kanilang mga tagahanga.
Habang bitbit si Huelwen nang gwardya sa braso ay unti-unting niyang nasisilayan ang liwanag sa dilim at ang malamig na bangkay ni Reks. Pagkatapos mag salita nang Hari ay tinulak siya nang gwardya sa likod, Dali-dali namang bumalik ang gwardya sa kanya pwesto para maka iwas sa galit nang kanyang tinulak. Binato ang taong tribo nang mga manunuod at sinisigawan nang "Booo!"
Nagulat siya nang luminaw ang kanyang paningin. Hindi niya mabilang sa kamay at paa ang mga tao. Hindi niya na malayan ang paglusob nang isang manlalaro na may hawak na kadena, naiwasan niya ito ngunit hindi ang pag-atake nang payatot na manlalaro. Tumaob siya sa lakas nang suntok. Naghiyawan nanaman ang mga manunuod, tuwang tuwa sila tuwing may dumadanak nang dugo.
"Tumayo ka dyan Baluga!" ang pangaasar ni Tengang taga. Ganito na ang naging pangalan niya nang matanggal ang kanyang kanang tenga. Naging masaklap sa kanya ito dahil ang sariling kapatid ang gumawa nito. Hinanda niya kanyang kadena sa muling pagbangon nang taong tribo.
Nang nakatayo si Huelwen, lumusob ang payatot na may hawak na gladius(maliit na espada) nakaiwas siya sa pag-atake ngunit bumulaga sa kanyang kamay ang kadena at pumalupot ito. Nag karoon nang pag kakataon ang payatot, subalit napigilan ang kanyang sandata gamit ang kadena. Sinipa niya ang payatot at hinila si Tengang taga at nasubsob ito.
"Sino nga ang baluga?" ang tanong ni Huelwen at sinaksak ito nang gladius sa lalamunan.
Nagulat ang mga manonuod sa nangyari lalo na ang mga may pusta sa aminado. Natuwa naman ang hari dahil may galit siya kay Tengang taga.
Nadismaya ang payatot na manlalaro, hindi maalis ang tingin sa kanya nang taong tribo. Ngunit hindi niya papayagang matulad siya sa kanyang kapareha. Nilabas niya ang dalawang palakul mula sa kanyang likod at tumakbo ito sa kinaroroonan nang kalaban, binato niya ang isang palakul ngunit naiwasan ito nang taong gubat. Bago niya pa mataga si Huelwen ay naputol na ang kanyang kamay at tumagas ang dugo nito. Hindi niya inaasahan pati ang kaliwang paa niya ay mawawala. Napakagat labi siya nang wala sa oras. Hindi pa nakuntento ang taong tribo. Lumapit ito habang gumagapang si payatot papalayo ay kinuha ni Huelwen ang palakul nito at handa nang hampasin ang leeg.
BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
ФэнтезиMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...