chapter two

243 7 0
                                    


V a u g h a n



"The paramedics are on their way, please just hurry up and get the victim here, baka maabutan pa kayo ng serial killer." Maotoridad na sabi ko, there are very little chances that the victim can live, pero if ever totoong may hininga pa nga ang biktima, kailangan nilang dalhin saakin para mabigyan ko na kaagad sya ng paunang lunas, para masmapataas ang chances na  aabot pa sya sa ospital.


"Yes doc. We're on our way." Sabi ng nacontact ko.


"The paramedics are on their way." Agad kong pinag tuunan nang pansin ang kakadating lang na mga rumespondeng pulis na dala dala at maingat na hawak ang katawan ng babaeng naligtas. 



Agad kong hinubad ang suot na jacket at inilatag ito sa sahig doon naman nila linagay ang katawan ng babae, matapos non naghanap ako ng tela na maaaring gamitin.


"Do yo have any towels? Spare clothes o kahit anong pede kong gamitin para mai-stay put ang kutsilyo para maiwasan an further damage, hindi natin pedeng basta hugutin, pedeng mag cause yon ng rupture sa vessels." Ilinibot ko ang tingin sakanila ngunit wala silang mai-provide dahil mga naka uniporme sila. 



Marahil ayaw nilang masira ang mga damit. Napatango tango nalaman ako at hinubad ang suot na tshirt. At ginawa ang dapat kong gawin tsaka pinakiramdaman ang pulso nya sa pamamagitan ng pag kapa sa leeg nya. Ang nakakainis lang ay dahil hindi ko nadala ngayon ang stethoscope na parati kong dala.


"Mahina na ang pulso nya, baka may internal bleeding na din sa thoracic cavity kaya nahihirapan syang huminga, marahil nabugbog sya at napuruhan ang lung cavity, there can be clogging there kung napuruhan nga sya doon, but that would just add up to the stab--"


"Save the patient, kailangan natin sya para maikulong ang mga hayop na pumatay sa mga taong walang kinalaman sakanila. Those bastards killed my brother, I shall make them rot in jail. Para mabigyan hustisya ang mga pamilyang nawalan din gaya ko."



"Well it is my job to save lives. I'll do my best, I assure you I am one of the bests out there, I'll save her."



Dumating ang ambulansya at kaagad namin syang naisakay dito at mabilis na naihatid sa ospital. 



Sinalubong kame ng team ko at agad silang nagtaka sa itsura ko but that is the least of my concerns right now, hindi na kakayanin ng pasyente at kailangan na nya ng immediate operation. 



"Is there any available OR? We need it." Bungad ko sa team. 



"Yes po doc. We're just gonna prepare it"



"Run a X-Ray and MRI, ngayon na!" Mabilis an naging reaction ng mga ito at naibigay kaagad ang results as soon as the test was done. 



"There's blood clotting on the right atrium, after the removal of the knife, kailangan ang operasyon sa puso, close up some ruptures of the vessels and the removal of the blood clot, stitch it up then wait for recovery. Let's go to the operating room."



Tumango naman ito at nag tungo na kame sa OR. Ilinipat namin kaagad sya sa operating table at mabilis ang naging kilos ng mga assistant nurses, nag suot na ako ng gloves at gown. 



My scrub nurse, Nurse De Castro was fast to prepare the equipments needed. Immediately linagyan ko ng betadine ang paligid kung saan naandon ang kutsilyo nakatarak, hindi sya totally nakatarak sa puso, malapit pero, hindi exactly doon, the sternum is still in tact so basically safe ang puso nya, ang kutsilyo ay directly nakatusok lang sa surface ng sternum. Kaya lucky, kaso medyo natagalan siguro kame ng ilang minuto kaya ganto na ang kalagayan ng biktima.


"Gauze" utos ko kaagad as soon as the anestethic was running through the body of the patient. Carefully placed it on the side of the knife and slowly pulled the knife from the body, unti unting tumulo ang masaganang dugo mula sa sugat,   kaya nang hingi pa ako ng maraming gauze, hanggang sa medyo controlled na ang bleeding, atsaka ako nag gawa ng incision sa part na natarakan ng kutsilyo, atsaka ako humingi ng retractor para maibuka ang incision, then used an oscillating saw to open up the sternum. 



Doon na namin tuluyang nakita ang puso ng pasyente na mahina na ang pag tibok. 



"Doc. The vitals are dropping rapidly, meron po atang internal bleeding, the blood pressure is--"Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ng nurse at nag patuloy na sa pag bukas ng sac ng puso, opened it up and located the blood clot, mabilisan kong inistitch at maingat ang galaw baka kase mamaya may magalaw pa akong vessel, there can be rupture if I'm not precise.



"Doc, the vitals are still dropping drastically!" Agad akong napapikit. Ang ayaw ko sa lahat maingay e. Agad kong chineck ang katawan ng pasyente, and one thing strucked me, hindi ko agad naisip na baka sa abdomen merong bleeding kung natortureman sya o nabugbog, I was too focused on her thoracic cavity, hindi ko napansin na puno pala ng pasa ang abdominal part nya. There might be internal bleeding there.


"There might be severe internal bleeding in the abdomen, let's stitch up the chest and call for a GS, Immediately!" They quickly obligued pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong nakarinig ng beeping sound galing sa machine.


Sht.


Napatulala ako sa screen at pinag masdan lamang ang linyang tuwid. This can't be! No! Isa lamang itong madaling surgery! Hindi maaari! I can't lose this one! Fck it. 



Agad kumilos ng kanya ang kamay ko at minasahe ang puso, pero ni isang pintig hindi ako nakatanggap, I asked for a low energy defibrillator at agad naman silang sumunod sa gusto ko, matapos non ay agad ko muling minasahe ang puso, pero still no reaction.


"Sht! No! Hindi pwede--" hindi ko ito tinantanan, hindi ko sya pedeng mawala. Hindi pede!


"Dude stop.. she's dead, hindi na kaya pa i-revive." Napailing nalang ako't balangkong  tinignan si Dr. Hernandez. Wala sa sarili kong tinignan ang relo ko at binigkas ang mga salitang unang beses ko palang masasambit.


"Time of death, 11:43pm 27th of February"


---------

Ajejejejejeje. So 'yon hindi ako sanay sa POV ng lalaki so satingin ko hindi sya mukhang masculin yung vibe, pero let me adjust guuuys hahehehehehehe.

And 'yon eto naaaaa. Eto na kase yung thriller na pinakaaasam kong isulat. Yieeee.

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon