chapter six

187 6 0
                                    


V a u g h a n


"Kyle, seryoso na ko ha! Hindi na ako natutuwa sa inaakto mo. Ano ba kaseng problema mo? You can always tell me what's bothering you man." Napatingin ako kay Warren na ngayon ay nasa tabi ko sa sofa namin.

"Dude, we're basically like a live in couple! Kulang nalang relasyon, you should not keep secrets from me! Bestfriend mo parin naman ako kahit na ganto akong papalpak palpak." Napangisi ako sa pag amin nya saakin, nako paminsan minsan lang sya umamin ng ganyan pero kapag gumaganyan yan seryoso na sya sa sinasabi nya kahit hindi halata sa mukha nya.

"I'm telling you this 'cause pinagkakatiwalaan kita, pero wag mong sasabihin sa iba, dahil hindi ata pedeng idisclose ang ibang mga confidential datas na tungkol sa case." Tumango naman bilang sagot si Warren at to tell you the truth nag pinky swear pa nga sya saakin.

"The police detective told me that the killings we found that day and the killing today were linked together. And I've been bothered about the girl for days, binabangungot ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko para matapos ang pagsisi ko sa sarili ko na hindi ko nailigtas ang babae. So I decided to team up with the lady para mahuli ang killer, I've got permission from the police to be notifed about the case since I'm kind of involved in it from the start.." nakita kong bahagyang napatango tango si Warren sa tinuran ko. Mukhang napapaisip na ang gago, kaya ayokong mapag sabihan 'to ng ganto e, he would be likely to get involved in it too, ang lalaking ito kase sobrang inclined nya sa problema, gusto nya kapag may nalalaman syang problema gusto nya kasama na sya sa pag sosolve nito.

And I think I know what he's thinking right now. Iniisip nya sigurong tulungan ako sa pag huli sa killer..

"Let me help!" Yeah. Just what I thought. There's nothing I can do though, sa tigas ng bungo ng bestfriend kong ito, I can't do anything to stop him from doing so.

"Bahala ka sa buhay mo Warren." Iiling iling na sabi ko sakanya.

------------

"My friend wants to help. Magaling yon sa computer, sigurado akong makakatulong sya saatin." Deretsa kong sabi ng makaupo ako sa cafe na napag usapan naming mag kita. Ngayon ang unang kita namin matapos ang usap namin noon sa telepono. Hindi sya nakauniporme ng pulis at naka casual na damit lang, pero hindi padin maiaalis ang vibe nyang medyo maangas.

Mukha syang singer ng rock band sa suot, naka all black kase sya. Samantalang ako naka all white halos, dahil galing ako sa ospital at lumabas lang ako para mag lunch.

"Siguraduhin mo lang namapagkakatiwalaan yang kaibigan mo. So pinapunta kita dito dahil may sasabihin ako sayo tungkol sa babae." Seryoso nyang sambit. Nag intay nalamang ako sa kanyang sunod na sasabihin. 

"That girl, isa syang psychiatrist sa isang clinic sa may kabilang bayan, wala syang gaanong kakilala at ang kapit bahay nya lamang ang nakaka-interact nya, ang kapit bahay na yon ang nag bigay ng impormasyon saamin. Ang babae daw ay nakikita nya palaging aligaga nitong mga nakaraang araw, at ang usual routine nito ay aalis ng 7 ng umaga at babalik ng bahay bandang 6 o'clock ng hapon. Wala daw ibang nakakakasama ang babae sya lang talaga laging mag isa. Wala ding ibang nakakakilala dito ng personal, ibinigay saakin ng kapit bahay ang address ng clinic, at sasamahan mo ako--" Pero bago paman nya maconclude ang sinasabi nya pinutol ko na sya. 

"No. Hindi ako pede ngayon Montenegro. As you can see I'm on duty, pede bang sa gabi nalamang natin isagawa ang plano kung kelan walang masasagabal sa isa't isa?" Pangangatwiran ko. Ayoko namang masagasaan ang working hours ko para lamang don. 

"Sige. Sunduin mo ko sa apartment ko, 9 pm sharp! Pag wala ka ako lang mag isa akong pupunta." Tumango tango ako. I won't be late, lalo na't sinabi niya yan, ayoko namang iwan ang isang babae na mag isang nag iimbestiga sa dis-oras ng gabi. 

"HOY TEKA!" Paalis na dapat ako ng akala ko tapos na ang usapan namin. Hindi pa ata, dahil pinipigilan nya ako. Naka ilang hakbang na ako mula sakanya.

Liningon ko sya at nagulat ng bigla nya nalang ibinato saakin ang isang notebook. Nangunot ang noo ko sa ginawa nyang yon.

"Isulat mo lahat ng mga nasa isip mo! Kada pag kikita natin sa gabi ipapakita natin sa isa't isa ang mga nalalaman natin, at saka mga naiisip ok? Wag kang mag iiwan ng detalye!" Tsaka sya yung nag martsa ng una palabas ng cafe. Napailing nalang ako sa inakto nya.

"Sige maaasahan mo yan. I'll go ahead." Tsaka ko sya tinanguan at tuluyan ng tumalikod sakanya. 

----------

"Dr. Vaughan, ano satingin mo ang sakit ng pasyente, base sa symptoms?" Tinignan ko ang intern ng blangko.  I looked at her with a 'what the hell' look, pano ba naman, ang intern dapat nagpapakitang gilas din! Hindi yung umaasa lang sa supervisor nila. Sobrang obviouos na naman sa MRI, titignan mo lang at nandyan na ang sagot.

"What do you think? Tell me your conclusion." Mapanghamon na tanong ko sakanya. 

"Ah- Eh Doc I think it's Non obstructive Hypertrophic Cardiomyopathy." Napatango tango ako. 

"Why do you think it's HCM?" 

"Uhm, because as you can see the left ventricle is thickened, and Non obstructive HCM is characterized by the thickening of the left ventricle itself, resulting for insufficient blood supply." Well tama naman sya, pero mali padin. 

"You got errors in your diagnosis my intern. You see this right here, that is not the left ventricle but the wall of the left and right ventricle, which means it is not Non obstructive Hypertrophic Cardiomyopathy, it's Obstructive Hypertrophic Cardiomyopathy, please study reading Magnetic Resonance Imagining accurately." Tumango tango ito saakin at agad na nag note sa notebook na hawak nya. 

"Now carry on and rely the diagnosis to Dr. Hernandez, ipapasa ko na sakanya ang pasyente, the thickening is not that severe, kapag hindi nya malaman ang gagawin nya tell him to just give medications, and if the thickening worsens you can tell him to perform septal myectomy. Sabihin mo din sakanya na mauuna akong umuwi sa bahay." Pero nagtaka ako ng biglang namula ang pisngi nya. Anong iniisip nito? 

"B-Bahay Doc?" Ang isip nga naman ng mga tao. 

"Yeah, we live together. We're bestfriends after all." 

--------

Natapos ang shift ko at nagtungo ako sa morgue. Sa pagkakaalam ko hanggang ngayon ay nandito parin at nakatambay ang bangkay ng lalaking binaril sa dibdib. Tumingin ako sa paligid at pinakiramdaman kung merong kakaiba, walang katao tao dito ngayon, wala pa sigurong namamatay, kadalasan kase sobrang gulo dito kapag bandang gabi pero unusual ngayon, walang taong nagkakagulo sa hallways. 

I checked if there are others that may see me sneaking ng makita kong wala naman agad na akong rumekta sa lugar kung saan nakalagay ang bangkay ng lalaki, as far as I can remember dito nila sinabing nakalagay iyon, pumasok ako sa isa sa mga pintuan doon at iginala ang tingin. 

Agad napangunot ang noo ko. Ang mga presentation trolley na merong laman ay apat lamang, magkakahiwalay ang mga ito, inisa isa ko pero nag taka ng ni isa dito ay wala ang lalaking may tama sa dibdib. Hanggang sa umabot ako sa dulong parte ng Morgue.. 

Ang kumot na nakatalukbong dapat sa isang bangkay ay ngayo'y nasa sahig na. 


ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon