chapter twenty four

88 7 0
                                    

V a u g h a n

"Doc. Meron po daw padating na emergency patient, heart palpitation po daw ang dahilan kung bakit sya isinugod sa ospital..." tinanguan ko ang intern na naka-assign saakin at dumeretso ng lakad tungo sa ER para intayin ang maisusugod na pasyente.


There are many possible reasons for the certain palpitation, pwedeng dahil sa sobrang pag inom ng caffeine and alcohol, excessive smoking, heridetary heart disease o di kaya ay dahil sa isang cardiac malfunction.


Either way, lahat ng yon ay maaaring mag lead into serious case of some rupture. Pero hindi naman gaano kadalas mangyari yon, kapag naagapan naman ng pagpapakalma sa heartbeat ay magiging maayos lang ang lahat.


While waiting I checked on other patients I've treated who's peacefully sleeping on their ICU beds. Madami dami na din ang napagperforman ko ng surgey ngayong araw, ang iba ay naitransfer na sa sari-sariling ward.


I checked the patient's vitals and everything seems fine. Paalis na dapat ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko, I stopped mid tracks para tignan ang notification. May texts akong na-receive.


I checked the sender and it's from Bella. She said sorry for not making it yesterday, may nangyare ata sa grandma nya. I replied that it was ok, and just take care of her grandmother, she replied right away with a thank you. Ibinalik ko na muli ang cellphone ko sa bulsa ng puti kong coat, at ng mag angat ako ng tingin ay nagulat ako ng nandon na pala ang intern na naka-toka saakin.



Nakakagulat naman ang isang to. Hindi ko sya napansin na maglakad ha. I shook my head and asked her why she's here.


"Nasa ER na po ang mga pasyente, may isa po doong merong penetration ng isang arrow sa abdomen, aparrently they were playing archery ng natamaan sya ng aksidente--" pinutol ko sya, why is she reporting it to me?


"I am not a GS, ang ibigay mo saaking impormasyon ay tungkol sa palpitation.." seryoso kong sabat sakanya. Tsaka ko sya tinignan ng mariin, bahagya syang napayuko pero hindi makakaligtas sa mga mata ko ang munting ngisi sa labi nya pero pag taas ng mukha nya'y nawala ito.

Guni guni ko lang siguro.

"Pero doc, wala kase ngayong available na GS, what should we do?" Nangunot ang noo ko sa tinuran nya, bakit naman walang GS. Yes we have around fifteen GS in our hospital pero lagi silang present dito kapag shift nila, imposibleng mawalan ng available GS.

"

Imposible ang sinasabi mo.. did you double check?" Kunot noong sabi ko sakanya atsaka nagmadali na nagtungo sa ER. Magulo na dito, mukhang nadagdagan ang pasyente. Inuna kong i-check ang lalaking nag papalpitate ang puso, as I asked questions I conclude that the cause is too much intake of caffeine.

Mabuti nalang at hindi malala ang kaso nya, mabilis ko syang nabigyan ng paunang lunas at maya maya'y umayos at gumaan na ang kanyang pakiramdam, nag mamadali akong nag tungo sa iba pang mga pasyente.

Tatlo lang sakanila ang Cardio patients, at ang majority ay trabaho na ng GS. I dialed a GS here in our hospital pero ng sagutin nya sinabi nya saaking ginamit nya daw ngayon ang leave nya. I also dialed the others and they said they are out for a celebration for the GS department. I let out a exaperated sigh, ayaw kong magpangaral sakanila dahil magkakasing stado lang naman din kameng lahat, pero they should not be that irresponsible, wala ni isa ang batira sa ospital na gs at ngayon ay nagkakagulo sa ER tas nag cecelebrate sila?

"Sorry Doctor Vaughan, we are on our way back. Can I ask you a favor to--"

"I already checked each patient, may isang pamilya na nag susuffer from abdominal pain, I think it's food poisoning, there is also a patient suffering from appendicitis, and another that have abdominal penetration, isang arrow ngayon ang nakatusok sa tyan nya, I've already made the nurses run some tests and I now can't further help you, just get your asses here." Seryoso kong turan atsaka ibinaba ang tawag. I went to my office and gathered my stuffs. Tapos nadin kase ang shift ko.

"Intern Perez? Please assist them later. I'm already leaving, Dr. Hernandez is already in the hospital, sya na ang mag babantay ng iba pang pasyente. I leave them in your capable hands then." Tinanguan ko sya atsaka walang lingon likod na nagdere-deretso ng lakad hanggang sa makalabas ako ng ospital.

"Where are you going Doctor?" Nangilabot ako ng biglang may narinig akong bumulong out of nowhere, maliwanag dito sa labas ng ospital pero may parteng madilim padin sa parking lot, agad akong napalingon sa gawing kanan ko kung saan medyo nag loloko ang mga ilaw sa parking.

"Who are you?" Nakikita ko ang kanyang bulto pero tila anino lamang ang naaaninag ko sa sobrang dilim sa gawing iyon, tahimik dito at walang katao tao, kaya kahit bumulong ka ay mag eecho sa buong parking, ang parking lot na ito kase ay located sa basement ng ospital.

"Sino nga ba ako? Hanggang ngayon ba ay hindi nyo padin nalalaman kung sino ako? Balita ko kasi ay patuloy padin kayo sa pag iimbestiga, wala padin kayong alam, sabagay.. ang mga pulis na humahawak sa kasong ito ay hanggang ngayon hindi padin ako nahuhuli, ilang taon na nila kameng hinahanap hanggang ngayon hindi padin nila kame nahuhuli. Ganon ba kame kagaling? O talagang walang silbi ang mag asawang Montenegro na yon?" Tumaas ang kilay ko. Anong sabi nya? Ang mag asawang Montenegro ay hinahanap na sya noon paman?


S-So ibig sabihin... sya ang ama ni Israel. Ang matagal ng hinahanap ng mag asawang Montenegro. .


"A-Anong kailangan mo? Bakit ako ang linalapitan mo? Wala akong kinalaman sa inyo at ng mga Montenegro.. bakit saakin ka nag papakita?"  Lakas loob kong tanong. Kinapa ko ang bulsa ko just incase pero bigla akong kinabahan ng wala akong makapa doon, sht naiwan ko ata sa coat ko ang scalpel kong laging nakatago sa bulsa ko. Bakit ngayon pa?


"You killed my daughter, Doctor Kyle Vaughan."


I-I killed his daughter?

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon