chapter twenty six

99 3 0
                                    


M o n t e n e g r o

"Isra? Pinsan? Kakain na tayo." Napabalikwas ako sa sunod sunod na pagkatok sa pinto ko. Kulang nalang magiba ang pintuan ko sa lakas ng pagkatok nya. Napapikit pikit pa ako para nag adjust sa liwanag ng kwarto ko, ansakit ng ulo ko,  masakit talaga sa ulo kapag nasobrahan sa tulog.

"Kanina ka pa tulog simula tanghali! Mag e-eight thirty na tulog ka padin? Kumain ka na malilipasan ka ng gutom! Masama sa katawan yon sabi ni Doctor Vaughan." Bat naman nadagi pa dito sa usapan si Kyle? Eto talagang baklang 'to.

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumeretso sa baba, with the mere mention of food para bang nabuhay ang mga bituka ko, nagutom ako kaagad kahit hindi naman ako gutom kanina. Hinintay kong umupo sa tapat ko si Caloy bago mag simulang kumain, tumango sya saakin atsaka nag simula ng sumubo ng pagkain.

Naikwento ko na din sakanya ang halos lahat lahat ng nangyayare saamin nila Kyle, at ang mga bagay na tungkol sa mga  nangyare noong mga nakaraang araw kagaya ng pagkakaalam kong nasa iisa kameng ampunan ni Loren.

He was at first always saying his apologies pero binabatukan ko sya palagi sa tuwing magtatangka syang mag sabi ng sorry, dahil daw sa hindi kaagad sinabi saakin ang tungkol sa pagiging ampon ko, pero nang sabihin ko sakanya na anak ako ng psychopaths na hinahanap nila Mommy nagulat sya at hindi nya daw alam ang tungkol don.

"I made soup, medyo malamig kase ngayon e. Mukhang may bagyong parating. May imbestigasyon ba kayo ni Doctor Vaughan ngayon?" Tumango tango ako't nginuya ang pagkain na nasa bibig ko, we have been very productive lately, kada pag iimbestiga namin ay may nakukuha talaga kameng relevant na impormasyon.

"Hmm... oo nga pala. Buti at ginising mo ako! Baka hinahanap na ako nila Kyle. Kailangan ko na mag ayos!" Nawala sa isip ko ang oras. 8:30 pasado na, hindi pa ako nakadisenteng damit, amoy panis na laway pa ang t shirt ko. Sumubo ako ng sunod sunod at ibinaba ang kusara't tinidor ng maubos ang pagkain ko sa plato. Kailangan ko ng magmadali!

Patakbo akong umakyat sa hagdan, skipping a step or two para lamang mapabilis ang kilos. As soon as I set foot in my room I rushed straight to my closet to find some decent clothes. Napatigil ako ng makakita ako ng isang dress, mag dress ba ako? Pero agad ako napailing, masyadong magara! Hindi naman date ang pupuntahan namin! So I just settled with my usual black shirt and pants, pinatungan ko din ng jacket ang shirt ko since malamig nga ngayon sabi ni Caloy.

I grabbed my notebook along with my hand gun, itinago ko ito sa loob ng jacket ko. Bumaba kaagad ako sa baba at nag bye kay Caloy.

"Mag ingat ka."

"I will."

Pero hindi pa ako nakakaalis ng bahay kinapa kapa ko na kaagad ang aking katawan at napatigil. Ano ba yan? Nakalimutan ko ang cellphone ko!

"Caloy! Pakuha ng cellphone ko sa taas bilis!" Sigaw ko kay Caloy habang kinukuha ang sasakyan ko. I started the engine and waited for Caloy to go down.

Bumaba muna ako ng sasakyan, pagkababa ko naman may mumunting mga patak ng ulan ang sunod sunod na bumuhos. Agad naman ako napatakbo sa loob ng bahay. What's taking him so long?

"Ca-"

"Umalis ka na! Pumunta ka ng ospital! I just go a call from your dad! Nasa panganib si Doctor Vaughan! Nasa parking lot daw sila ngayon!" Napigil ko ang hininga ko at panandaliang nablangko ang utak. What the hell? P-Paanong-

"Isra! Bilisan mo na. Eto na ang cellphone mo! Kumilos ka na!" Nabalik lang ako sa ayos ng bigla akong sigawan ni Caloy sa mukha, inirapan ko sya at kinuha sa isang mabilis na kilos ang cellphone ko tsaka ako tumakbo tungo sa kotse ko. Hindi na ako nagpaalam kay Caloy, mabilis ang pagmamaneho ko't hindi ko na natitignan kung lumalagpas ako sa speed limit, wala na kong pake!

Shit. I need to save Kyle!

"Tangina naman, bakit ngayon pa kase ako natulog!" Inis kong nahampas ang manibela at kumaliwa patungo sa daan kung saan nandon ang ospital. Nanlaki ang mata ko ng biglang may mga kabataan na tatawid kaagad kong napreno ang sasakyan ko at natigil ang sasakyan ko bago ko pa man sila matamaan.

Wala akong oras para humingi ng sorry. Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko at ibinigay ang isa sa mga ID ko sa isa sakanila atsaka kumaripas ng takbo, nasa tapat nadin naman ako ng ospital.

"Bwisit bwisit bwisit! Bilisan mo!" Inis kong sigaw sa sarili ko, agad akong pumasok sa entrance ng parking lot, pipigilan pa nga ako dapat ng isa sa mga guard doon pero hinawi ko lamang sila sa dadaanan ko.

Ilinibot ko ang tingin ko, wala masyadong kotse dito at maliwanag, pinakiramdaman ko ang paligid at napamura ng nagulat ako sa biglang pagtunog sa cellphone ko.

"Daddy? Make it fast hinahanap ko na si Kyle." Mahina kong sabi sa cellphone.

"Nasa basement. We're just at your back, mag ingat ka, don't let him escape... Kyle is stabbed so run for it!"  Bumilis ang pagtibok ng puso ko, nanikip ito, ansakit, sobrang bilis ng pintig nito, sa sobrang kaba.

Gumalaw ka paa! Tangina wag kang maestatwa ngayon! Sht. Bakit ngayon pa talaga ako nagka-panic attack! Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang hininga ko.

No! no! no! no! Kailangan ko ng kumilos. I need to calm. I need to save Kyle. Kyle needs me. He helped me a lot, kailangan ko syang tulungan ngayong sya naman ang nahihirapan. I- I don't want him to be hurt, I can't take it if he leaves me.

I can't stand the thought of him letting go of my hand. I can feel my heart breaking. I took one deep breathe.

Unconsciously, I calmed myself up.

"Move damnit!" I ran as fast as I could and in no time I saw myself in the basement of the parking lot.

Tahimik sa paligid at walang tao dito sa parking lot, kaya ng may marinig akong pagdaing agad kong nalaman na sila yon, I can hear it faintly, malayo sila, tinakbo ko ang distansya namin at maingat akong lumapit, I took my gun from my jacket and with no hesitations shot the person that's about to stab Kyle, I aimed for the leg, the arm and his feet. With three shots he fell down the car.

I rushed to their side and immediately scopped Kyle from the ground, natumba sya, and aparrently lost consciousness. Sht.

"No."

Hindi ako doktor.. pero kitang kita ko ang pamumutla nya, ang masaganang dugo sa natamo nyang saksak, mukhang kanina pa sya nababawasan ng dugo, I checked the rythm of his pulse, napamura uli ako ng maramdaman na humihina ito.

With all my strength, hinila ko sya papasan saakin at kahit mabigat, kinaya ko syang dalhin sa elevator at agad na nadala sa emergency room.

"TULONG!" 

Hold on, Kyle. Wag kang bibitaw.

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon