chapter twenty two

96 6 0
                                    

M on t e n e g r o

Nanginig ang buong katawan ko sa nakita. Imposible. Agad ako napatingala kay Kyle at nakita ang mukha nyang puno ng pinaghalong pagtataka at pag aalala.



"How do you fit in all this Isra? You really should talk to your parents.." napatango tango ako. Kasama ba ako sa mga bagay na makakapag decipher kung ano ba talaga ang dahilan ng pag patay o kung sino ang pumapatay. Hindi ko alam. ...


"T-Teka? Ikaw ba yan Ismeralda?" Napapitlag ako ng biglang nag salita ang madre na kasama pa namin kanina pa. Nagtataka ko syang tinignan, ismeralda? Tinawag nya akong ismeralda.



"I-Isra po ang pangalan ko.. pero hindi ko po alam." Umiling iling ang madre saakin. Atsaka sya lumapit sa photo album. Madami dami na kame nalaman tungkol kay Loren. Napag alaman namin na namatay ang mga magulang nya at may nagpadala sakanya dito na babae at lalaki. Hindi nila alam kung may iba pa daw bang kamag anak si Loren o sino ang nagdala sakanya dito. Nagdaan daw ang pitong taon inampon si Loren ng isang mag asawa pagkatapos daw non wala na sila nabalitaan pa tungkol sa kalagayan ni Loren.



"Hindi kita namukhaan kanina kase masyado ng nagbago ang itsura mo, at matagal na din simula noong umalis ka ng ampunan. Kamusta na ikaw? Mukhang hindi ka na gaya ng dati na tahimik at walang kagalaw galaw. Lumaki ka ng maayos sa puder ng mag asawang pulis na 'yon." Nangunot ang noo ko. Tama sya, hindi nya malalaman na pulis ang magulang ko kung hindi ako nanggalin dito. Atsaka hindi na pulis ang Mommy ko, so ibig sabihin, inampon nila ako habang pulis pa si Mommy.


Bakit nila ako inampon? May anak sila. Si Carl, posible bang ampon lang din sya? Kase bakit nila ako aampunin kung pede naman silang mag anak? Mas matanda ako kay Carl so hindi dahil hindi nila kaya mag anak ang dahilan kung bakit ako inampon. Bakit parang bumalik ako sa pagiging walang muang, puro kasinungalingan ang alam ko sa buo kong pagkatao. At bakit wala akong maalala tungkol dito? Bakit hindi ko alam na inampon ako?



Kung tatanyahin nasa five years old or six na ako dito, may muang na ako dyan, may tama na akong pag iisip, so makakaalala na ako ng maayos sa edad kong yan, so bakit hindi ko alam.
Tinapunan ko ng nagtatanong na tingin si Kyle at ang iba pang nandito sa loob ng library.



"Kayo ang pinaka malapit noon.. si Loren at ikaw. Si Loren lamang ang may kakayahan na makausap ka, hindi ko alam pero para bang may pagkakaugnayan kayo ng magkapatid. Mailap ka sa ibang bata dito noon, kay Loren ka lang dumidikit. Kaya noong naampon ka ng dalwang pulis naku, alam mo bang lagi kang iniiyak ni Loren saamin, kung pede daw bang magpaampon nalan din sya dun sa umampon sayo. Pero kahit na ganon, masayahin padin dito sa ampunan si Loren, pala kaibigan sya at lagi padin nakikipag laro sa iba, mabait na bata ang batang 'yon, magalang at may respeto. Sobra ang galak ko ng may umampon sakanya, hindi ko lang alam kung bakit masasangkot sya sa ganyang insidente, napaka bata pa nya at napaka bait nya para bawian kaagad ng karapatang mabuhay.." para bang biglang lumambot ang puso ko. Para bang may nararamdaman akong nostalgic sa puso ko, naiiyak ako. Kung totoo nga, alam kong may sapat na dahilan sila kung bakit nila itinago saakin.



Siguro kapag kinausap ko sila tungkol sa kaso na ito maipapaliwanag din nila saakin kung bakit wala akong maalala sa pagkabata ko noong nasa ampunan pa ako, o kung sino ang mga magulang ko.



"Are you ok Isra?" Napangiti ako ng naramdaman ko ang mainit na palad ni Kyle sa likod ko, marahan nya akong tinatapik doon, and it gave me support. Ok lang naman talaga ako. Pakiramdam ko naman ok lang ako, sadyang nakakagulat lang ang mga nalalaman ko. Sunod sunod kase sila e. Mabuti nalang talaga at hindi ako inaatake ng panic attacks ko. Dahil kung inatakeman ako, sobrang nakakahiya na kay Kyle.



Tinanguan ko sya atsaka nginitian. "Oo naman. Salamat sa pag aalala." I tapped his cheek before facing the nun again. Sinabi nya saamin ni Warren kanina na ang madreng namatay ay isa sa mga itinuring talagang magulang ni Loren. Kaya hindi ko maiwasang isipin na baka isa din sya sa nga itinuring kong magulang, dahil kung totoong sobrang close namin ni Loren marahil magkasabay kameng pinalaki ng madreng 'yon.



"Posible po kayang kilala ko ang madreng yon?" Tanong ko. Tumango naman saakin ang madre at maya maya'y ngumiti ng mapait. Tila ba may inaalala syang masalimuot na nakaraan.

"Ang madreng 'yon ang nag aruga sayo simula noong ipinadala ka dito. Magkasabay kayo ni Loren na pinalaki at minahal ng madreng yon. Talaga sigurong kahit sobrang buti mo ay hindi masisigurong mahaba ang iyong magiging buhay dito sa mundo. Sayang lamang talaga ang kabutihan na maaari pa nyang ibahagi saiba." Bakas na bakas ang pag dadalamhati nya sa kanyang mukha, isang mabuting tao ang nabawian ng buhay ng dahil sa mga taong masasama.

"Isang klarong murder case ang nangyari sa pagkamatay ni Sister Valerie. Hinding hindi nya magagawang patayin ang sarili nya dahil hinihintay nya pa ang araw na makikita nya kayong dalwa ni Loren, mahal na mahal kayo ni Sister Val. Nakakalungkot lang at ang dahilan pa ng pag punto mo muli dito sa ampunan ay ang pagkamatay ni Loren at ni Sister Val." Naramdaman ko ang pag gapang ng kamay ni Kyle mula sa bewang ko tungo sa kanan kong kamay. Maya maya pa'y naramdaman ko na naman ang kakaibang pagtambol ng puso ko.

Ano ka ba naman Kyle Vaughan? Wag mo isabay ang landi sa trabaho! Dapat namromroblema talaga ako sa nalaman ko e, pero dinidistract talaga ako ng lalaking 'to! I don't know if it's a good thing, pero I'll consider it as such.

Kyle Vaughan, you're such an effective pill for a emotionally weak person. You make my pain go away as if nothing had happened. I will never let go of your hand.


"Thank you, Kyle."

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon