chapter twenty five

97 5 0
                                    


V a u g h a n

"I don't get you. Hindi ako mamamatay tao, Wag nyo akong pag akusahan ng isang bagay na klarong hindi ko  naman ginawa"  nanggagalaiti na sabi ko.

"Think back Doctor... you killed my daughter."  Hindi pa ko kailanman nag tangka o kahit mag isip na kumitil ng buhay, hindi ako diyos para mag decide na kailangan kong patayin ang isang tao.

Hindi ako pumapatay.

"Hmm. Mukhang nakalimutan mo na kaagad ang pagkamatay ng anak ko sa mga kamay mo. Pinatay mo sya, noong araw na pinuntahan mo sya sa lugar na 'yon, ikaw na ang pumatay sakanya. Kung hindi ka sana nakielam, edi sana hindi ka namin guguluhin ngayon...." Sht. Loren. Si Loren ang tinutukoy nya, he's saying that I'm the one that killed Loren. Nasa panganib ako ngayon, I can sense that we are not the only one who's here in the basement.

Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang sunod sunod na pag hakbang palapit sa dereksyon ko. Napaatras ako ng unti unti, ilinibot ko ang tingin ko at maya maya'y may isang pigura ng lalaki na akong naaaninag palapit saakin.

A man, with an eye of a psychopath. It looked like he was ready to kill me any second now, mga ilang metro ang layo nya saakin, pero kitang kita ko ang nakakikilabot na ngiting nakapaskil sa mukha nya. Eto na ba? Ako na ba ang susunod?

"Wag kang masyadong kabahan Doktor. Hindi pa kita papatayin. Hihintayin ko munang mabaliw ka sa sakit, sisiguraduhin kong mararanasan mo ang naranasan namin."  At sa isang iglap, naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng nakita ko an ilinabas nya sa bulsa nya. Mabilis syang nakalapit saakin at ngayon alam ko ng hindi ako nagkakamali sa larawan.

I know it too well.

"What it feels like to see the person you care for the most die infront of you, tortured infront of you, it makes you lose your sanity. Ano sa tingin mo Doktor?" Ang mga hakbang nya ay marahan, almost no sound at all, naalala ko tuloy si Intern Perez. Palagi nya akong nagugulat dahil sa kapag kumikilos sya ay sobrang hina, hindi ko kaagad napapansin.

"Satingin mo kakayanin mo?" Umiling ako. Ano satingin nya? Mahihibang ako kapag nakita kong namamatay sa harapan ko si Warren. Kahit na gago yon mahal na mahal ko yon, itinuring ko na sya bilang isang kapatid.

"Mahina ka Doktor. Paano mo nakaya ang pagpatay sa anak ko?" Napaatras muli ako, unto unti na syang nakalalapit saakin, ilang hakbang nalang. Nagsimula ng mamuo ang pawis sa noo ko, paano ako makakatakas sa ganitong sitwasyon? I am trained to fight, pero parang nawala ata lahat ng napag aralan ko ngayong nasa aktuwal na.

"I can smell your fear from here.. I'd be more than delighted if I get to see the anguish in your eyes when I remove some limbs from your friend here, satingin ko kapag nakapunta ka na sa lugar kung saan ko kayo papahirapan may nabaklas ng isa o dalawang daliri ang kaibigan mo, may pagka baliw pa naman ang asawa ko."

Natigil ako sa pag atras ko. Sht. Nakuha nila si Warren? Para akong binuhusan ng malamig na tubig, para bang bigla akong tinakasan ng kaluluwa, nag simula ng manginig ang kamay ko sa kaba, iniimagine ko palang namakita na nahihirapan si Warren at duguan, naninikip na ang dibdib ko.

"W-Wag si Warren. Wala syang kinalaman dito" mahina kong sambit. Bakit kailangan pa nyang madamay dito. 

"Tsk tsk tsk. May kinalaman sya dito, assistant mo sya noon diba? Kasama sya sa operasyon na 'yon hindi ba?"  Para bang biglang nabuhay ang isip ko at nagkaroon ako ng kaonting tapang.

"Paano mo nalalaman ang mga impormasyon na 'yon? Sino ang kasabwat mo sa ospital? Sino ang kumuha ng mga bangkay noon?" Pero napatigil ako ng bigla syang humalakhak na nakapag pataas ng balahibo ko, ngumiti sya saakin at tumigil ng pag hakbang tungo sa dereksyon ko.

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon