chapter nineteen

85 4 0
                                    

M o n t e n e g r o


Kanina pa kame nag hiwalay ni Kyle. Bigla kaseng tumawag sakanya ang ospital na kailangan silang dalwa ni Warren doon dahil madami ang pasyente at kulang sila sa aasikaso. Ngayon nasa loob ako ng apartment namin ni Caloy, wala sya ngayon dito, nasa salon sya, nag tratrabaho. 

Hindi ko maiwasan na malungkot ngayong mag isa ako. Mag isa lang talaga pala ako simula palang, wala akong kapatid. Hindi lamang saakin sinabi lahat ni Caloy, dahil siguro satingin nya wala sya sa lugar para sabihin saakin lahat ng nalalaman nya. 

"I think it's time you find out..." biglang may kung anong nag pantig sa kaloob looban ko, parang biglang binalot ng kaba ang sistema ko.

"A-ano yon Caloy?" May tinatago ba silang sikreto mula saakin? I have a bad feeling about this.

"Si Carl. Simula bata, meron na syang problema sa utak... you didn't know right? And that was the initial plan... to keep everything from you. C-Cause you may not like it when we tell you."

"But I'm his sister! I HAVE THE RIGHT TO KNOW!" umiling sya saakin at iyon ang nag patigil saakin.

"A-Ano?" hinintay ko na sagutin nya ako ng klaro pero walang dumating na sagot. 

"Ano Caloy? Anong ibig mong sabihin don?" 

"Tanongin mo nalamang sila Tita at Tito tungkol dyan. Hindi na keri ng powers ko yan. Sige maiwan na kita, kumain ka na, maliligo na ako may trabaho pa ako mamaya." 

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung paano ko nakakaya lahat ng impormasyon na ito, mabigat na nga ito lahat kung pagsasama-samahin. Una ang kapatid ko namatay sa murang edad, ngayon pinagtatagpi tagpi na namin ang mga impormasyon, may bagong pinatay na naman pero hanggang ngayon wala padin suspect, tas malalaman ko na hindi ko kapatid ang itinuring kong kapatid buong buhay ko. 

At ngayon feeling ko... nag kaka-crush ako kay Kyle. 

Jusko. I don't have enough strength to deal with this nonsense! Bakit ko na obtain to!? Bakit!? I know this feeling! Parang ganito lang din ang naramdaman ko noong unang beses kong nakita ang Daddy ko na nakikipag laban. I fell inlove at the sight of capturing bad guys, I fell in love with the thrill. And still am in love with my job.

"Why am I developing feelings for you? You good for everything walking dictionary." I just slumped on my bed, I really feel like sulking all day and doing nothing. I think my mind may not function well too, just like Kyle said, tama sya. Tama naman sya lagi, and I trust his words.

To think about it. Onting panahon palang ng magkakilala kame ni Doctor Kyle Vaughan. Siguro hindi pa lalagpas ang isang buwan. Pero it seems like a whole year, sa dami ng paghihirap na napagsamahan namin, at para ding kilalang kilala ko na din sya, kahit yung ibang detalye tungkol sakanya hindi ko pa alam, I think I know him entirely already.

I may not know him. I may not know his birthday, the thing he likes, the things he enjoys, I may not know his entire background, I may only see the limited things he makes me see, pero by just that, panatag na ako na isa syang mabuting tao, natutulungan nya ako kapag kakailanganin ko, na naandyan sya kapag nahihirapan nanako, I trust him, and I know he'll be there for me.

Hay nako Isra. You should know what you're doing to yourself. Dapat namomroblema ka ngayon tungkol sa pamilya mo! Hindi iyang puro ka kire! Naigagaya mo na sarili mo kay Caloy! Napaka bad influence talaga nyang baklang yan. Andami ko natututunan na kabaklaan!

Napabalikwas nalang ako ng umupo ng biglang nag vibrate ang cellphone ko sa gilid ng kama. It's past four o'clock, hindi pa-out ni Kyle ngayon, he told me mamaya pang eight ang out nya, and base sa mga nakaraan na pag sasama namin para sa pag iimbestiga, bihira syang matawagan kase hindi talaga masasabi kung kelan dadating ang mga pasyente.

Tinignan ko ang caller Id at nag taka ng makitang nakarehistro don ang pangalan ni Kyle. Doc Sungit. Remind me to change his contact name to Dictionary later. Mali talaga yung impression ko sakanya na masungit, hindi sya masungit, mabait sya, mukha lang masungit.

Agad ko sinagot ang tawag baka sobrang importante at tinawagan nya pa ako habang nasa trabaho sya.

"Bakit po kayo napatawag Dictionary?" Bungad ko kaagad para matapos na ang tawag ng mabilis.

"Do you have plans tonight?" Nangunot ang noo ko.  Bakit nya naman tinatanong yan? Malamang meron. Hindi ba't lagi kame nag iinbestiga kapag gabi? Usapan na namin yon a.

"Oo bakit?" Sagot ko kaagad. Narinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya, pagod na siguro sya? Siguro kailangan ko ng ibaba ang tawag para makapag pahinga naman sya kahit papaano.

"I should go now, Kyle. You should rest too." Pagtapos na pagtapos ko sabihin yon hindi ko na inintay kung may sasabihin din ba sya saakin, baka kase matagalan pa kame don sa pagpapaalaman.

Minsan na kase saakin nasabi ni Warren na kapag nabakante sila ng oras kailangan talaga nila sulitin, kase pagtapos ng free time na yon, hindi na talaga sya masusundan agad agad, yung tipong mapapagod ka muna ng sobrang sobra bago mag pahinga ng ilang minuto lang tas mag tatrabaho ka na uli kaagad, ayokong masayang ni Kyle ang oras nya sa pagtawag saakin, kailangan ng katawan nya ang tulog o di kaya ay simpleng pag upo lang.

Ipag luto ko kaya sya? I mean sila? Siguradong pag uwi non pagod yon, it will be either bibili sila ng pagkain sa fast food o di kaya mag luluto ng noodles or easy open can? Sobrang unhealthy non, I think I need to cook for them. Parang thank you ko nalang din ito sakanya. He stayed with me when I needed someone, he comforted me. I should do this little favor at least.

"Kailangan ko bumili muna sa supermarket."



"Done!" Sigaw ko ng natapos ko ang pag luluto sa kusina. Kinuha ko kaagad ang inihanda kong tuperware para paglagyan ng nailuto ko, siguradong ma-rereplenish sila dito. I packed lemons too, nabasa ko dati na nakaka-regain ng energy ang lemon e.

Kailangan ko ba muna sabihin sakanya na pupunta ako o hindi na? Baka mamaya wala sya don tas pupunta ako don ng walang tao? Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at dinial ang number nya pero gaya ng nasa isip ko walang sumasagot, siguradong may inaasikasong pasyente yon. Pasyente nga ba? Ay joke lang, napaka judger ko naman kung iisipin kong may kasama syang babae ngayon! Ay wait paki ko ba?!

Si Warren na nga lang ang tatawagan ko. Medyo matagal na din simula nong huli naming kita e? Ano na kaya nangyare dito? Tinrangkaso daw sya kaya hindi nakakasama sa pag iimbestiga. After minutes sumagot sya. Agad na nagliwanag ang mood ko ng sagutin nya ang phone.

"Hello Warren!" Medyo may narinig pa akong ingay ingay sa kabilang linya. Malamang nasa ER ang kumag na 'to, on duty sya tas sinagot ang tawag ko! Grabe, ibang iba sya kay Kyle.

"Bakit Isra? Nasa ospital ako ngayon, on call ako. May problema ba?" Medyo mahina na sabi nya. Pero rinig naman.

"Sorry. Itatanong ko lang kung may plano kayo ni Kyle mamaya na puntahan? Pupunta kase ako sa apartment nyo para bigyan kayo ng niluto ko."

"Ginugutom mo naman ako e. Oo, usually wala na talaga kame pinupuntahan ni Kyle pag tapos ng trabaho, deretso kame jan sa bahay. Kung gusto mo mauna ka na sa bahay para maihanda na ang kakainin hehe, medyo pagod kame alam mo na." Halata nga sa boses nya. Siguro minsan di na sila na kakakain pagkauwi at natutulog nalang.

"Pero pano ako makakapasok?" Tanong ko. Atsaka ang weird naman kung papasok ako don hindi naman ako kilala sa neighborhood nila.

"Marunong ka ba umakyat ng gate? Siguro naman kaya mo yon, pulis ka naman e! Tas yung susi sa pintuan ng bahay nasa likod ng bahay, pag may nakita ka dong orchid na nakasabit sa may porch, nandon lang yon nakapatong. Wag ka maingay kay Kyle na ilinagay ko don ang susi ha? Makakalimutin kase ako baka mawala ko yung susi ko, kaya dun ko ilinagay." Napatawa ako sa sinabi nya. Sobrang iba nga talaga nila ni Kyle. May pagka iresponsable tong si Warren, pero masaya sya kasama, di gaya nung si Kyle nako, p-pero di ko naman idedeny na masaya ako minsan pag kasama ko sya.

"Sige Warren. I'll be going now. Matatapos nadin naman ang trabaho nyo diba?" Sabi ko habang nag lalakad na tungo sa labas kung saan nakahanda na ang kotse ko.

"Hmm. 7:20 na naman, you can go there if you want. Just don't break anything ha? Alam ko naman na hindi ka careless pero naninigurado lang, ayokong mabulyawan ni Kyle, at ayoko din mag linis. See you.."

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon