chapter four

206 6 0
                                    

M o n t e n e g r o 

"I can't believe that guy. Wala syang puso! Walang pakiramdam! Walang kwenta! Palpak! Panget--"  agad akong napatigil sa pag rarant ng bigla akong hinampas ng pinsan ko na kasama ko sa bahay, kakauwi ko palang mula sa ospital at kanina lang yung usapan namin ni Dr. Vaughan.


"Ano ka ba sis, wag ka namang masyadong harsh sa mga sinasabi mo, sino ba naman kaseng agad agad na mag titiwala sa mga pakiramdam lang at mga hinala na walang kasiguraduhan, tama naman kase sya! Maaari syang masisante kapag nakialam sya doon, hindi nya line of work yon tas gagawin mo syang ispiya, e kakakilala nyo lang din naman, and for a fact hindi kadin naman nya gano pinag kakatiwalaan, malay ba nyang baka ikaw yung traydor." Inirapan ko lang sya at tinalikuran na sya. Walang kwenta kausap ang pinsan kong to, lalampa lampa na nga, hindi pa ako makampihan, baklang 'to.


"Ako ba talaga ang kamag anak mo o sya? Ako ang kampihan mo baklita!" Inis na sabi ko sakanya. Pero binatukan nya lamang ako, atsaka sya umirap saakin, sabay kutingting sa cellphone nya at halos ilamukos sa mukha ko ang screen nito.


"Ano ba boba ka ba? Pano ko makikita yan e halos ibaon mo sa mukha ko, akin na nga! Ano ba yang pinapakita mo sakin!?"  Tsaka ko hinawakan ng ayos ang cellphone nya. 


"Sinabi mo kase na panget si 'The Doc Vaughan' well ipapamukha ko sayong ikaw ang boba! Bulag ka ba o retarded?! Yang nilalang na yan ay isang greek god! Kulang nalang maging perpekto! Matalino! Gwapo! Magaling-"


"Wala syang puso! Nothing can change the fact that he didn't care about the victim we found! Nakita ko ang totoong sya! Hindiman lang nya pinag isipan na tulungan ako sa pag hahanap ng clues at leads sa forensics! Ang iniisip nya lamang ay sarili nya!" Bulyaw ko at inirapan sya for the last time bago talikuran sya at pumanhik sa kwarto ko.


"Pero hindi sya panget!" Bwisit talaga 'tong baklang 'to! Itsura lang ba ang mahalaga sakanya!? Nako, mga walang kwenta! Makapag pahinga na nga lang muna at bukas ko na proproblemahin ang galit ko sakanya, sakanila.


---------


Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama, at kagaya ng lagi kong nakagawian, chineck ko ang cellphone ko at agad akong napabalikwas ng mapansing andaming tawag doon. Galing kay Chief ang dalwa at halos lahat ay galing sa isang unknown number.


"Sino naman kaya ito--" nag ring ang cellphone ko at kaagad na sinagot, ito yung unknown number, mukhang importante dahil sunod sunod ang tawag nya, hindi maawat, parang may sasabihin talagang mahalaga.

"Police Detective Montenegro, the body is missing, you should get your lazy ass in the hospital now!"  Halos manigas ako sa lamig ng boses nya, hindi ako nagkakamali ng rinig, eto yung Doctor Vaughan. Bakit parang nakakatakot ang tono nya.

"I'm on my way."  Matapos non ay kaagad kong kinuha ang jacket ko at ipinatong nalamang ito sa manipis kong spaghetti strap. Umaga palang, halos mag aalas-kuwatro palang ng umaga. Kaya wala akong makitang tao sa daan kundi ang mga maaga ang pasok na trabahador at nag jojogging. 

Napamura nalang ako ng mapansing nakashort nga pala ako, kaya linamig ako ng makalabas ako ng bahay namin ng pinsan kong si Caloy slash Clarice. Pero di ko na pinansin yon, ang mahalaga makapunta na ako sa ospital sa  madaling panahon. Nagmaneho na ako ng mabilis at hindi ininda ang malamig na aircon sa kotse ko.

At ng makatapak ako sa ospital ay parang hindi umaga, andaming tao dito, may mga nag aantay, may mga umiiyak, pero isa lang ang nakapukaw sa atensyon ko. Ito ang pukol ng tao na pawang nakasuot ng mga kulay navy blue na uniporme, agad natanaw ng paningin ko si Chief Kalbo! Ang pinaka mamahal kong ama.

Halata sa mukha nito na hindi sya natutuwa sa mga nangyayare, bakit ba nagkakaganto ganto ang mga bagay bagay, napaka komplikado, hindi namin alam kung gaano ka-laki at ka-lakas ang koneksyon ng kalaban namin.

"Mabuti naman at nandito ka na, tsk. Isra! Anong klaseng damit yan ha-- anyway, nawawala ang katawan ng biktima! Pero ang magandang balita may footage na nakunan ang pag kuha sa katawan. Kahit papaano may maituturo tayong suspect."  Nagliwanag ang buong paligid ko, para bang bigla akong sumigla sa narinig imbis na manlumo, may lead na! May tsansa na kameng maikulong ang hayop na pumatay sa kapatid ko!

----------

"Mabuting umuwi ka na anak, malamig na, kame na ang bahala dito.." usap saakin ni Daddy ng naiwan kameng mag isa dito sa may labas ng ospital. Napailing nalang ako kay Dad, hindi pede.

"No dad! I want to be here, I need to be here."  Matigas na sabi ko sakanya, gusto ko ako mismo ang makahuli sa demonyong kumuha sa kapatid ko.

"Pero anak--"

"Dad please. I want to do this, no one can stop me."  Wala ng nagawa saakin si Dad ng pumasok na akong ospital uli, nasa isang hilera ang mga ka-pulis ko at mga nag kakape habang may binabasang papel, ng makalapit ako doon ay agad akong humablot ng isang papel para basahin.

Mga forensics results ito a, so ibig sabihin ang tanging kinuha lamang nila ay ang bangkay ng babae, hindi nila kinuha ang natitirang labing siyam na bangkay.

"May hinala ako sa babaeng bangkay na yan e! Pakiramdam ko may kung anong kinalaman sya na personal sa pumapatay, feeling ko may atraso yang babaeng yan sa killer kaya ganyan hanggang sa patay na pinag didiskitahan padin." Maanghang na sabi ko sa harap nila habang inis na inis na talaga ako. 

"Nako israel wag kang mag sabi kaagad ng ganyan, wala pa tayong matibay na ebidensya." Awat saakin ng isa kong kapulis na si Bryan Capistrano, isa sa mga kababata ko at kasama kong nangarap maging pulis.

"Hindi na ako makapag intay na mabulok sa kulungan ang demonyong yan, ako talaga pigilan mo ako Bryan pag nakita ko yan, ako pa siguro mismo papatay sakanya, gaya ng pagpatay nya sa baby Carl ko!" Napapiyok na sabi ko hanggang sa maramdaman ko nalang ang yakap saakin ni Bryan at ang pag iyak ko sa bisig nya.

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon