chapter three

226 8 0
                                    


V a u g h a n 


"Dude. Hindi mo kasalanan na biglang nagkaroon ng hemorrhage sa abdomen, its a typical scenario, ikaw narin ang nag sabi saakin dati madaming pedeng mangyari sa loob ng operating room, hindi ikaw ang may kasalanan ok? Atsaka base sa pathology test the hemorrhage happened while on surgery kaya hindi talaga matratrace nung nag run ng tests since hindi pa ruptured ang vessels noon! Get act together dude! Ikaw ang pride ng hospital na 'to."  Naramdaman ko nalang na yinuyugyog ako ni Hernandez, si Warren, ang bestfriend ko. Warren has been there through my worsts and I'm thankful kase sya lagi ang nagpapabalik saakin sa realidad. Hindi talaga lahat ng gagawin natin ay perpekto, there will come a time that we will mess up and it will affect us, big time. And this was mine. This is my greatest mistake, kung sana tinugunan ko ang text nya, sana rumesponde kaagad ako sa text nya.

Edi sana buhay pa sya ngayon, edi sana nahuli na ang mga may sala.


"Hindi mo ko naiintindihan dude! I received the text! Hindi ko pinansin at kahapon lang ako nag decide na puntahan sya, kasalanan kong naging ganyan ang kalagayan nya! Kasalanan ko!" Napapukpok ako sa pader hanggang sa naramdaman ko ang pamamanhid ng katawan ko. What the fuck is happening to me, am I having a mental breakdown right now?


"Dude ayos ka lang? Sht. De Castro! Tulungan mo ko dito." Agad na lumapit dito si Nurse De Castro at inalalayan ako sa isa sa mga vacant beds ng ER. Parang sobrang nanghihina ako bigla, hindi ko alam kung bakit. Sobra ba akong nakonsesya pati katawan ko bumibigay.


"Kulang ka sa pahinga, doc. Mabuti munang dalhin natin sya sa office nya, diba't may sofa sya don?" Unti unti ng lumabo ang paningin ko at para na kong walang marinig, hanggang sa pagbuhat nila saakin nalang ang huli kong nakita at naramdaman.


---------

Napabangon ako bigla at agad na nag sisi, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, I hate it when I experience vertigo.


"Are you now ok?" Nanliit ang mata ko ng makita ang police woman nakasama sa operasyon. Nakalimutan ko ang pangalan nya or hindi ko lang talaga naitanong ang pangalan nya.


"Israel Montenegro. Ako yung kasama mo kahapon sa operasyon." Tumango tango ako at tinignan sya ng nagtataka, ano kaya ang isinadya nya at nandito sya? 


"You must be wondering why I'm here. Well isa lang, you did not save the patient." Napailing nalamang ako sa tinuran nya. Naalala ko na naman at paulit ulit ko na namang sinisi ang sarili ko sa isip ko.


"I'm sorry ok? It was an unexpected death, ok na e, nagkaroon lamang ng internal bleeding, we lost control of the vitals, atsaka hindi ako ang tamang doctor for the job, since it's in the abdominal part GS ang kailangang doctor doon at hindi isang Cardiologists/Neurosurgeon." Explain ko sakanya na ikinatango naman nya. Pero mukha padin syang dismayado sa mga nangyayare. Well ako din naman, sobrang dismayado ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyare, that was my first table death and I don't know how to react. 

Tama nga sila. Mahirap kapag isang kang doctor, dahil kapag namatay ang pasyente mo, hindi mo maiiwasan na sisihin ang sarili mo, pero kahit papaano kailangan mo padin na maging matatag para sa pamilya ng pasyente. 

"Nasaan nga pala ang pamilya ng biktima? Na-contact nyo na ba?" Tanong ko kaagad ng maalala, I still need to write her death certificate at kailangan ko ang details nya, ni hindi ko nga alam ang pangalan nya at ang iba pang basic informations nya e, and writing the death certificate of a patient is the last thing a doctor can do for the patient's family.

"Hindi pa namin alam ang kakilanlan ng biktima, walang ID na nasakanya, walang cellphone, walang kahit na ano, at tanging mukha lamang nya ang lead natin, hinalughog na ang buong bahay kung saan nahanap ang babae, pero wala ni isang trace ng killer o killers. Ang mga biktima din, walang mga ID o wallet sakanila." Medyo weird pero parang nagiging pagnanakaw ang motibo, pinapalabas ba ng mga suspek na pagnanakaw ang motibo nila?

"Ipinag tanong nyo na ba sa mga residente ng Stelle?" Tanong ko. Tumango tango sya at may ipinakitang mga papel, kinuha ko ito mula sa kamay nya at nakita ang listahan ng mga pangalan.


"Mahigit benteng ka-tao ang nasa loob ng bahay na yon, meroon ng kinseng tao ang nakilala, pero hindi kabilang don ang babaeng nakita natin. Ang limang hindi pa nakikilala ay pawang mga magkakaedad na teenager, tantya namin mga nasa disi-otso ang edad nila." Napatango tango ako't inisip ang mga posibilidad sa pagpatay, madaming dahilan gaya ng mga iniisip ko dati, Galit? Pag hihiganti? O baka baliw lang talaga ang killer?


"We're looking for leads, any possible clue, and I want you to team up with me. I need to know who the mother fucker is, can you sneak a peak on the pathology testing and find some marks na hindi natin napapansin." Nangunot ang noo ko sa hinihingi nyang iyon, hindi ako pedeng pumunta sa ward ng forensics pathology. Off limits na ako doon, wala na akong kapangyarihan doon.


"Para saan at pupunta pa ako don. Pede mo namang intayin nalamang ang results ng pathology."  Paliwanag ko sakanya habang nakatingin ng derekta sa mga mata nya. Inirapan nya lamang ako.


"There are a lot of possibilities Doctor Vaughan. Hindi natin alam baka mamaya meron palang kasabwat sa loob ang mga suspects, I need someone I can trust to solve this case." Napailing ako sa turan nya.


"Hindi yon sapat na dahilan para pasabakin mo ako sa gera mong yan, hindi ko isusugal ang trabaho at ang pangalan ko para lamang sa spekyulasyon mong meroong traydor sa mga opisyales. Hintayin mo nalang ang results Police detective Montenegro." Umiling sya saakin at tinignan ako ng masama, ano bang masama kong sinabi? Kapakanan ko lamang ang iniisip ko, atsaka hindi ko talaga isusugal ang trabaho ko para lamang sakanya, hindi porket gusto nyang lutasin ang kaso gagawin nya lahat yon mag isa, hindi lamang sya ang pulis na naka-assign sa kasong iyon.


"Bantayan mo nalang maigi ang mga galaw ng forensics kung wala kang tiwala sakanila. I'll be going now, may trabaho pa ko."

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon