chapter twenty one

88 5 0
                                    

V a u g h a n

"Magandang gabi po. Pasensya na po sa abala, pero pwede ko po ba kayong matanong ukol sa madreng na-murder dito at tungkol sa isang bata." napangiti ang madre ng pagak, may lungkot sakanyang mga mata, tumango ito atsaka ngumiti muli saamin isa isa.


"Isa po akong pulis, at kapwa mga doktor ang dalwang kasama ko, tinutulungan po nila ako sa kaso. Siguro naman ho ay nababalitaan nyo ang sunod sunod na murders ngayong taon? Iyon po ang patuloy padin naming tinutuligsa." Mahinahon na pag papaliwanag ni Isra, nag libot libot ako ng tingin at hinayaan nalamang muna silang dalawa na kumausap sa matanda, hindi naman kase talaga ako ganon ka-expert sa pakikipag usap.

"Kyle--" mukhang napansin nya ata ang pag layo ko sakanila.

"Mag lilibot lang ako, hindi ako lalayo. I'll call you if I see something." Di ko na hinintay pa ang response nya at nagpatuloy nalamang ng paglalakad. I've always thought that if the workload is divided it would be easier.

The orphanage, if you look at it from the outside, mukhang maliit lang, pero no. Malaki ito at complex ang structure. Madaming pasikot sikot pero hindi naman gano nakakalito since may mga nakapaskil dito na sign at may map din ng buong building.

"I'm in the lobby, and I need to go to their library." I scanned the whole map at nakita ko ang lokasyon kung nasan ang library. Nasa taas ito ng surveillance at katabi sya ng kwarto ng mga madre..

"I guess I need to climb stairs then."  Mahina akong napabuntong hininga. Kailangan ko na kumilos.

I memorized the whole building and I would be walking here like it's my own house. I neared the Nun's sleeping quarters, hanggang sa maramdaman kong parang may sumusunod saakin. Agad akong napahawak sa bulsa ko. I brought my scalpel with me just incase I might need to use self defense.

Luminga-linga ako sa paligid at pinakiramdaman ito. Pero wala na ako naramdaman pa na tao sa paligid. Mukhang guni guni ko lang 'yon. Hindi naman madilim dito, sa totoo lang sobrang liwanag nga ng paligid so imposible kung hindi ko makita yung kung meron man sumusunod saakin.

Dumeretso na ako sa Library at ng mapunta ako sa tapat ng pintuan nito tinulak ko ito pabukas. Madilim dito, marahil dahil wala na ang gagamit nito, tulog na ang mga bata, yun siguro ang dahilan kung bakit sobrang dilim na dito.

Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at ilinibot sa paligid ang tingin. Agad ko naman nakita ang switch ng ilaw at binuksan ito. Pagka on ko ay nag liwanag ang library kaya sinara ko na ang flash light ko.

Napailing iling ako ng mapaisip ako. Ano nga ba ang ipinunta ko dito? Paano ako mag sisimula ng paghahanap ng impormasyon? Medyo bago lamang din naman ako sa ganito so wala pa ako masyadong alam. Dinial ko ang cell ni Isra at inintay na sumagot sya. Agad din naman nya iton sinagot.

"Ah isra--"

"Ano may problema ba?"

"Wala naman. Pero nasa library ako ngayon, kaso hindi ko alam kung ano ang sisimulan kong hanapan ng impormasyon. What should I look for?" Ilang saglit din syang hindi sumagot. Maya maya narinig kong may itinatanong sya tungkol sa picture ata.

"Look for albums. Photo albums. O di kaya ay mga files tungkol sa mga nasa bahay ampunan noon."

Napatango tango ako at nag simulang mag hanap sa iba't ibang section ng library. Natigil ako sa pag hahalughog ng matagpuan ko ang section kung saan nakalagay ang mga files tungkol sa ampunan, fortunately nandito din ang mga photo albums na sinasabi nila. Kagaya ng kanina, inisa isa ko uli ang mga book covers at ilinalagay sa hawak kong trolley ang mga nakukuha kong pedeng konektado sa hinahanap ko.

I gathered the files that range from about twenty years ago, kung kelan mga 3-5 years old palang ang isang bata, hypothetically parang ganon na ang edad noon ni Loren. Itinigil ko muna ang pagkuha ng libro at umupo sa isang upuan doon, tsaka isa isang ibinaba sa lamesa ang mga nakuha ko.

Una kong tinignan ang isang folder kung saan merong nakalagay ng impormasyon tungkol sa mga bata pero wala naman ako nakitang importante sa imbestigasyon.

Sunod kong binuksan ang isang photo album. Maalikabok na ito at halata sa itsura nito na matagal na itong nandito sa library, ang mga picture din ay medyo naninilaw na sa katagalan ng panahon.

Binuklat ko pa at napangiti habang pinagmamasdan ang mga picture. Meroong solo ng bata na naglalaro, yung iba naman ay group photo na kasama ang mga madre. Ang sayang makitang may mga malalawak na ngiti na nakapaskil sa mga labi nila.

Nakakaaliw din naman palang mag hanap ng impormasyon. Binuklat ko pa hanggang sa mapunta ako sa bandang dulo. Nangunot an noo ko ng mapansin ang isang page na walang picture. Imposible namang nahulog ito? E halos lahat ng picture dito intact padin sa mga pinaglalagyan nila.

"That's weird."

Binuklat ko pa ang dalwa pang nahuhuling page ng album at bahagyang nanlaki ang mata. Paano nangyare ito? Imposible naman atang--

"He's not my brother. We're not related."

Posible. Pero hindi ako makapaniwala. Paanong wala syang naaalala sa nakaraan nya. Bakit ganon? How do you fit in this complicated puzzle? Sino ka ba talaga? Ano ang dahilan kung bakit kita nakikita sa larawan na ito habang may  blangkong mga mata?

"Did you find anything we could use, Kyle?"

"Israel...Montenegro."

Bakit ka nandito sa litrato na ito kasama si Loren? Nag sisimula ng maguluhan ang sistema ko. Totoo bang mapagkakatiwalaan sya? O isa sya sa mga dapat kong hindi pagkatiwalaan? Sya ba ang traydor na sinasabi saakin ni Isra? Ang traydor ba ay ang sarili nya? O hindi nya talaga alam ang mga ito?

Mabuti bang itago ko na muna ito sakanya? O sabihin ko na? Hindi ko na alam. Pero paano kung hindi nya talaga alam? Kailangan kong sabihin sakanyaang nalaman ko.

"Bakit Kyle? May nakita ka ba?" Marahan akong tumango at itinulak palapit sa kinaroroonan nya ang album.

At kagaya ng naging reaksyon ko kanina, sandali syang nagitla at napatulala, nangunot ang noo nya at napanganga. Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Napailing ako ng bahagya, nakokonsensya ako dahil sandali ko syang napagbintangan bilang isang traydor at hindi pinagkakatiwalaan.

Israel should be someone I need to protect, masyado syang marupok. Paano ko ba naisip ang mga naisip ko kanina? Masyado akong paranoid. Mali na pinagbintangan ko sya 

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon