M o n t e n e g r o
"What do you mean? Masasama bang tao ang pamilya ni Loren--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko bigla nalang hinarangan ni Vaughan ang bibig ko. Para bang pinipigilan nya ang sasabihin ko, well, obviously.
"Before you answer her question, I'll ask you something first, paano nyo nalaman na pamilya ni Loren yon if you said hindi sila kailanman bumisita simula pagkabata?" tinanggal ko na ang pagkakatakip ni Vaughan sa bibig ko, ito naman, pede namang sabihin na wag muna ako mag salita kailangan pa kong marahas na takpan ang bibig.
"I- I saw them. Noong minsan na akong pinapasok ni Loren sa bahay nila, she always asks me to teach her how to cook some dishes noong bata pa sya para daw sa susunod kaya nya ng mag luto ng ibang putahe. I- I saw a portrait on the wall. It was weird pero I knew right away na family portrait yon, pero..." Nagtaka ako ng para bang bigla nalamang nahirapan na mag salita si Lola.
"Lahat sila mga walang puso sa litrato. Walang emosyon ang mukha at nakatitig lang na nakakakilabot. Hindi kasama don sa larawan si Loren, kaya satingin ko nakuha ang litrato na yon bago ipanganak si Loren. A-atsaka, nalaman kong pamilya sila ni Loren dahil lahat ng mga tao sa litrato, may pulang mga mata." Naramdaman ko ang panginginig ng matanda. Bakit kaya? Bakit tila takot na takot sya sakanila.
"Lola, bakit po parang takot na takot kayo sakanila." Tanong nung kasama ni Vaughan.
"Dahil hindi sila normal na tao. Wala nga silang mga puso." Biglang naging blangko ang tingin nya at tila ba bigla nalang naging balisa, walang emosyon pero yung mata nya halatang hindi mapakali, tumitingin sya sa bawat sulok ng bahay. Natatakot na ako sakanya ha.
"Panong walang puso Lola? Hindi naman po ata posible 'yon. Literally or Figuratively" Usal uli nung kaibigan ni Vaughan.
"PINATAY SYA NILA! PAPATAYIN NILA KAYO! UMALIS NA KAYO!" Bigla akong napatayo ng bigla nalamang nag wala si Lola sa harapan namin, yung kaninang parang hinang hina na matanda biglang naging sobrang bangis na hayop, parang anumang oras ay sasaktan nya kami. Pero ano ang ibig sabihin nya sa sinabi nya.
Sa pag iisip di ko na namalayan na meron na palang pumasok at nag mamadaling lumapit saamin na babae, may kaliitan mga hanggang tenga ko lamang, maikli ang buhok at mukhang kasing edad lang din namin base sa suot nyang pang office at sa mukha nya, minus the height tho.
"Grandma! Oh my god. Sorry ngayon lang ako nakauwi, di na mauulit--- TEKA!! Sino kayo? Anong ginawa nyo sa grandma ko at nagkakaganto na naman sya!" Galit sya. Wala naman kaming ginagawa na masama, tumaas ang kamay ko at umiling iling sa akusa ng babae.
"We are not doing anything to you grandmother. In fact she was the one who invited us in for a talk, we were just here to investigate the house of Ms. Loren just beside your house." kalmado na saad ni Vaughan. Iba talaga kapag doktor marunong maging kalmado kahit na nakakainis ang pasyente, este ang taong kaharap.
"What? TALK? Linoloko mo ba ko? Ni hindi nga ako kinakausap ng Lola ko ikaw pa kaya! My grandma has been suffering from Selective Amnesia and PTSD! Ano namang ikwekwento nya sainyo? Hindi na stable ang utak ng Lola ko, she's been like this for about years. Tas sasabihin nyo nag kwekwentuhan kayo?" Inis na sabi ng babae. What? May Dementia ang matanda at PTSD.
"What? Pero mukha naman syang maayos kanina noong nag uusap kame, she's also telling us stuffs about the girl that lived next door." Nakakunot ang noo na turan ni Vaughan. Tama sya, nakausap nga namin ang matanda ng maayos kaya paanong meron syang problema sa pag iisip.
"N-Nakausap nyo sya ng maayos? As in deretso? Walang sigaw, walang histeria?" Naguguluhan na tanong ng babae. Tumango naman kame sa kanya bilang sagot sa tanong nya. Tumango sya saamin at sinabing wait lang, inalalayan nya paakyat ng kwarto ang matanda tsaka bumaba ilang saglit.
"So? Bakit kayo nandito uli?"
"We are investigating the girl next door's whereabouts. At ang Lola mo ay mukhang kilalang kilala ang iniimbestigahan namin." Umupo na sya sa harap na sofa namin. Biglang sumeryoso ang mukha nya noong namention ang babae na kapitbahay.
"That psychiatrist? Talagang kilalang kilala yon ng grandma ko, she's the one who practically raised that ungrateful bitch, pagkatapos syang bigyan ng kalinga bigla bigla nalamang hindi namamansin at tila ba mga wala lang kame sakanya, ngayon hindi na sya umuuwi siguro may iba na syang itinuturing na pamilya bukod sa grandma ko, bakit nyo sya iniimbestigahan? May nag reklamo ba sakanya?" Nakakunot ang noo na sabi ng babae. Mukhang close nga ang matanda at si Loren, marahil ito ang nagpalaki at nag watch over kay Loren noong bata pa ito.
"She's Dead." Walang emosyon na sabi ni Vaughan ng deretsahan na nakapag patigalgal sa babae. Para syang tinamaan ng kidlat, naestatwa sya sa kinauupuan, hindi makagalaw at hindi alam ang irereact sa sinabi ni Vaughan sakanya.
"She's Dead? T-that can't be, tutulungan pa nya ang grandma ko sa sakit nya sa isip.. sht." Bigla nalamang ito naiyak at hanggang sa humagulgol na ito. Siguro close din sila noon ni Loren kaya ganon.
"Do you mind if I ask why your grandma had a problem with her brain?" Tanong ni Vaughan ng humupa na ang pag iyak ng babae. Umiling ito at nadagdagan na naman ang mga luha nya.
"W-Wala syang kinausap kahit sino... si Loren lamang ang nakakakausap sakanya. Si loren lang ang nakakapag pabalik sa katinuan ng pag iisip ni Lola, pero paano na ngayon na wala na sya? Hindi ko na malalaman kung ano talaga ang dahilan kung bakit nagkaganito ang nangyare sa Lola ko?"
"Last na ha... pero, do you think merong scar ang Lola mo o sugat?"
"Oo, lagi kong pinaliliguan ang Lola. Meron syang peklat na parang ekis sa parehas na pulso nya parang laslas..." nanlaki ang mga mata ko sa narinig at nalaglag ang panga. As in literally.
"Holy"
"Shit."
BINABASA MO ANG
ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]
Mystery / Thrillera young surgeon considered as a prodigy, he's one of those famous surgeon's that has 0% of failing a surgery, but everybody have their firsts. After a risky surgery the young surgeon failed to save the patient and had his first table death. the gri...