M o n t e n e g r oKanina pa tahimik at kating kati na akong makababa sa sasakyan na 'to. I brought my gun with me, a recorder and my notebook. Satingin ko naman ay magiging maayos lang ang pag punta namin doon, kung may hindi man magandang mangyare we can always call for back up, ipre-prepare ko nalang ang tenga ko sa walang humpay na sermon ng Tatay ko.
As soon as the car came to a halt I immediately stepped outside the car. Pinagmasdan ko ang paligid at pinakinggan ang paligid, medyo liblib ang lugar na ito, medyo malayo sa bayan pero meron namang mangilan ngilan na bahay na pang-mayaman. Hindi sila lapit lapit kaya lalong nag mukhang onti lang ang mga bahay pero medyo madami din naman. Mukha lang walang naninirahan dahil gabi na nga.
I checked the time and It's already quarter to 9 o'clock. Medyo napatagal ang byahe namin since it took one hour to get here. Pinagmasdan ko ang bahay na nakatayo sa harapan namin, this is the victim's house.
Akmang papasok na kame sa bahay ng biglang may sumitsit saamin. Napalingon ako at nakita ang isang may kaedarang babae, sya ata ang nakausap ko sa telepono tungkol sa biktima. Pinalapit nya kame sa kanya sa pamamagitan ng hand gesture. Agad naman kaming lumapit sakanya. May hawak syang walis at dust pan, marahil nag lilinis ng bakuran nya bag matulog.
"Ikaw ba ang babaeng pulis?" Agad nitong tanong ng makalapit kame sakanya, tumango kaagad ako at nakipag kamay sakanya. Nginitian ako nito, pero mga ilang sandali lamang ay sumeryoso ang itsura nya. Tila ba bigla syang may nakita na kinatakutan nya, dahil sa bigla nyang ikinilos. Hinila nya kame bigla papasok sa magarbo nyang bahay at nag patangay na lamang kami.
Nang makapasok kame ay isinara ng matanda ang pintuan nya at isnara lahat ng lock, in fairness mataas ang security awareness ni Manang. May tatlong lock ang pinto nya, tsaka sya merong pinindot sa isang remote at agad na sumarado ang mga blinds ng bintana nya. Bigla akong kinilabutan, teka ano ba ang nangyayare.
"Ano po ang nangyayare 'La?" Tanong ko ng may malumanay na boses.
"Umupo kayo at medyo mahaba ang aking ikwekwento." Agad akong napailing sa sinabi ng Matanda. Onti lang ang oras namin, medyo nalate na nga kame e, hindi na pede pang maubusan kame ng oras.
"Po? Ay mawalang galang na po, kailangan pa po namin imbestigahan ang bahay ni Ms. Loren."
"HINDI! Ija! Wag muna kayo mag iimbestiga sa bahay nya ngayon. Nakikiusap ako sainyo, hindi maaaring masapit nyo ang nasapit ng dalagang iyan, stay in here, safe kayo dito." Tila ba takot na takot ang matanda, parang natakot ako para sakanya, siguro kase dahil mag isa lang sya dito kaya ganyan ang kilabot nya sa nangyare kay Loren na kapit bahay nya lamang.
Tumango ako at kinapitan ng mahigpit ang nanginginig na mga kamay nya, tinignan ko sya maigi bago ngitian. "Ano po iyong ikwekwento nya saamin? Baka po makatulong saamin yan."
"Alam nyo kase, yang si Loren isa yang mabait na bata. Simula noong bata sya mag isa na syang naninirahan sa bahay na iyan, ang mga magulang nya ay hindi nya kasama, hindi ko din alam kung bakit pero kahit kelan hindi nila nabisita si Loren sa malaking bahay niyang yan. Simula bata din wala pa syang kaibigan na naiimbitahan, meron pero hindi ata kaibigan, mukhang boyfriend nya pa nga, huli ko nakita ang lalaking 'yon na pumunta dito noong high school pa si Loren, at kamakaylan lang nakita ko sya bumisita dito bago pa-man mamatay si Loren, mukhang may pagtingin pa din sila sa isa't isa, nakakalungkot lang dahil hindi sila binigyan ng oras ng panginoon para maging magkasama pa ng matagal." Nanlaki ang mata ko ng may maisip ako, posible kayang--
Agad ako napatingin kay Dr. Vaughan at tinignan nya lang ako ng seryoso.
"If you remember the face of that guy, can you describe it Ma'am?" Tanong nya sa matanda, napapikit naman ang matanda at ng nag mulat sya idinetalye nya ang itsura nito.
"Meroon syang matangos na ilong pero hindi sobra, kayumanggi ang kulay at itsurang filipino talaga sya, makapal ang kilay at merong buhok na gupit kagaya ng sa isang sundalo, base sa huli kong kita sakanya ganon ang buhok nya, meron din syang malaking pangangatawan pero hindi sya nakakatakot tignan, mukha nga syang mabait noong kinausap ko sya dati ng minsan pumunta sya dito noong high school pa sila." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae. Agad ko kinuha ang cellphone ko at buniksan ang gallery hanggang sa makita ang picture na aking hinahanap.
"Eto po. Etong lalaki po ba ang sinasabi ninyo?" Sabay abot ko sa matanda ng cellphone ko. As soon as she held it agad na nanginig ang kamay nya. Tila ba kinilabutan sya sa nakita, sinong hindi? Ang lalaking iyan na nasa picture ay patay na at tila namumutla na dahil sa kawalan ng dugo sa katawan.
"W-wag mong sabihing--" Bago pa man matapos ng matanda ang sasabihin napaluha ito at napahwak sa dibdib, nataranta ako, sht mukhang hindi makahinga si Lola dahil sa nalaman. Tinignan ko si Vaughan at agad naman syang kumilos para alalayan ang matanda tungo sa sofa na inuupuan namin ngayon, ihiniga nya ito at inutusan ang kasama nyang lalaki na kumuha ng tubig.
"Wag po kayo masyado mag alala, safe po kayo 'la. Just breathe, breathe in, breathe out. Andito lang po kame." Mahinahon na sabi nito habang hawak hawak ang kamay ng matanda, at parang magic, bigla nalang umayos ang pag hinga ng matanda. Maya maya andito na ang kaibigan ni Vaughan na may hawak na baso ng tubig.
"Salamat iho. Ganoon talaga ako minsan, alam mo na, matanda na din ako at nagkakaroon na ng diperensya sa katawan." Tumango tango si Vaughan at marahang hinimas ang likod ng matanda. No wonder isa syang magaling na doltor, nagkamali ako-- hindi sya batong puso. May pakielam sya sa tao. Mabait na tao sya.
"Pero teka po Lola. Bakit nga po pala ipinapasok nyo kame dito ng madaling madali." Tanong ng lalaking kaibigan ni Vaughan sabay abot nya kay Lola ng inumin, uminom muna ang matanda bago mag salita ng seryoso.
"Nandito sila.. Ang pamilya ni Loren."
BINABASA MO ANG
ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]
Mystery / Thrillera young surgeon considered as a prodigy, he's one of those famous surgeon's that has 0% of failing a surgery, but everybody have their firsts. After a risky surgery the young surgeon failed to save the patient and had his first table death. the gri...