V a u g h a n
"Warren. Tumulong ka dito. Sino ba yan?" Inis kong tanong kay Warren ba ngayon ay nasa medyo malayo saamin, hindi naman ganon ka puno ang ospital ngayon pero meron padin namang mga pasyente so hindi padin naman kame pedeng tumayo tayo lang.
"Si Isra tinanong kung may plano daw ba ako mamaya after work." Si Isra tinanong sakanya yon? Akala ko ba may gagawin sya mamaya?
"What did you say?" Tanong ko habang may kunot ang noo. Ang gulo, she said may kailangan syang gawin, tas tatanungin nya si Warren kung may gagawin sya? Does that mean ang kailangan nyang gawin ay kasama si Warren. Agad akong napailing sa iniisip. I did not like the thought of them together. Kahit na parang kahapon lang sine-set up ko sila sa isip ko. Pero parang mali.
"Sabi ko wala naman tayong gagawin." Hindi na ako nag tanong pa. Mukhang meron nga silang plano. Bumagsak bigla ang mood ko, tinalikuran ko na si Warren at inintindi nalamang ang iba pang pasyente.
"Umuwi na tayo, may pupuntahan ka ba mamaya?" Simplehan mo lang Kyle, simpleng tanong lang para masiguro mo kung talaga bang may plano silang dalwa ngayong gabi. Nag kibit balikat saakin si Warren atsaka umiling maya maya. Muntik na ata akong mapatalon ng umiling sya, hindi ko alam bakit ansaya ko ngayong nalaman kong mali pala ang hinala ko.
"Gutom na ako, dumaan muna tayo sa fastfood--" suhestyon ko pero bigla akong hinampas ni Warren sa bibig. Ambang hahampasin ko din sya pabalik pero sinenyasan nya lang ako na magmaneho nalang. Ano problema neto? Kapag umaatake naman ang pagiging patay gutom nya wala akong angal a!
Mabilis ko na i-park ang kotse sa garahe. Ang weird lang kase natiis ni Warren yung mention ko ng fast food, mahilig sya sa fast food e, tas pinalampas nya lang yon? Siguro may plano sya mag luto, hayaan na nga lang, magaling naman magluto si Warren.
"Ren, mag handa ka na ng hapunan, maliligo lang ako." Ibinaba ko muna ang bag ko sa sala at isa isang hinubad ang pang itaas kong damit, naka-polo kase ako palagi kapag papasok sa ospital para mas presentable kaya medyo naiinitan ako ngayon, dahil nadin siguro sa pagod kaya bigla ako naalinsanganan. Narinig ko maya maya ang pag lagatok ng mga kutsara at tinidor, maya maya pa nakaamoy ako ng masarap na pagkain. Hmmm, parang ngayon ko lang naamoy ang luto 'to a?
"Ganyan ka ba kay Warren ha? Parang maid mo kung mautusan mo yung tao a-- HOY ANO KA BA! MAG BIHIS KA NGA!" Sa gulat ko na nasa kusina namin sya di ako nakagalaw ng bigla nya akong batuhin ng sandok, buti nalang hindi sa mukha. Agad ko napansin na wala nga pala akong pang itaas, kaya siguro sya nag react ng ganon.
"Sorry na. Eto na nga e. Hindi mo naman kailangan mang bato ng sandok, paano kung may natamaan kang vital part ko, papanagutan mo yon pag nag malfunction yon." Nakangisi kong sabi atsaka sya kinindatan bago maglakad palayo sakanya.
"Walangya moooo. May ganyan ka palang side!"
#
"Bakit ka ba nandito? May plano ba tayo?" Taka kong tanong pero nag kibit balikat lang sya saakin habang ngumunguya sya ng pagkain.
"Just wanted to cook you dinner, alam kong pagod ka sa trabaho atsaka mukhang hindi nyo na makukuha na magluto pa so eto na, pinag luto ko na kayo. Atsaka diba, kada gabi may imbestigasyon tayong ginagawa? We're gonna continue the search hanggat hindi pa nagiging klaro ang lahat saatin." napatango tango ako sa sinabi nya, wala naman talaga akong plano na tumigil sa pag iimbestiga, kaso lang... ang inaalala ko ay yung damdamin ni Isra, may nalaman syang isang bagay na makakapagpasira sa isang tao. Nararapat lang na ipagpahinga nya muna ito.
"I understand that you badly want to know who did that to your brother, pero kailangan mo muna mag pahinga. It will not bring you any good Isra, you're emotionally damaged right now, and I don't see a reason why we can't push the investigation para maka-cope up ka sa mga nalaman mo--" pero napatigil ako ng tumingala saakin si Isra, her eyes, it held deep sadness but there was content. Ngumiti sya saakin bago pinagpatuloy ang pagkain.
"Well it's your choice. Just let us know if you need are at your limit, we can always stop investigating for a little while." Muli kong tuloy. Medyo nawalan nadin ako ng gana, siguro dahil nawala ang atensyon ko sa pagkain.
"Thanks. But, no. We're not stopping unless we find the one responsible for the killings. I am not the only one suffering here, madami pang nawalan ng kamag anak, I am not just investigating for my brother, pati narin sa iba pang pamilyang nawalan." Napapitlag ako ng biglang nag angat ng tingin si Isra at tinitigan ako ng deretso. Napakurap kurap pa ako pero wala syang sinabi ni isa.
"Kumain ka. You'll need the energy."
#
Nakarating agad kame sa orphanage. Matapos kase namin kumain nangulit agad si Isra na pumunta kame sa Orphanage, meroon daw syang naiwang mga katanungan sa mga tao don. Cinontact na din nila si Bella, hindi na namin sya nasundo dahil sabi nya nasa ibang lugar daw sya kaya sya nalang daw ang pupunta.
"Ano ba talaga ang gusto malaman dito?" Narinig kong bulong ni Warren kay Isra.
"Aparrently dito tumira si Loren noong bata pa sya. I'm just going to know some informations why? She's here, her parents and other basic informations. At ano ang koneksyon ng madreng namatay, o kung may koneksyon nga ba?"
"Let's go. I think they are still open for visitors, bukas pa ang lobby nila. Let's gather as much information as possible."
BINABASA MO ANG
ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]
Mystery / Thrillera young surgeon considered as a prodigy, he's one of those famous surgeon's that has 0% of failing a surgery, but everybody have their firsts. After a risky surgery the young surgeon failed to save the patient and had his first table death. the gri...