Eleven

2.2K 57 3
                                    

Lisa's POV

Pumasok na din ako sa loob pagkatapos kong mag isip isip at mag pahangin sa garden.

Pag pasok ko Hindi ko nakita si Jennie sa salas o kahit sa dinning table baka nasa kwarto nya na yun.

Papunta ako sa kusina para sana urungan ang pinag kainan ni Jennie at maka akyat na sa kwarto

Pero pag dating ko sa kusina naka upo lang sya sa isang stool naka earphones at naka pikit.

Hindi ko naman sya inistorbo dahil baka magalit sya sakin kaya dumiretsyo ako sa lababo para mag urong

Tahimik lang ang lahat habang nag uurong ako.

"Bakit hindi ka nalang kumuha nang kasambahay para gawin yan?" Tanong nya.

Nagulat naman ako dahil bigla syang nag salita.

"Okay lang kaya ko naman" sabi ko sa kanya nang hindi tumitingin.

Hindi na ulit sya sumagot sa sinabi ko, muka naman nasatisfied sya sa sinabi ko.

Narinig ko naman na naglalakad na sya, pupunta na ata sya sa kwarto nya.

Tinapos ko na ang pag uurong para makapunta na sa kwarto gusto ko na humiga.

Pero pag talikod ko nakita ko si Jennie sa harap ko, naka sandal lang sya sa middle table nang kusina at nakatingin sakin.

"Woah, Jennie nakakagulat ka naman. Bakit kaba nandyan?" Tanong ko sa kanya.

Walang ekspresyon ang muka nya pero naka tingin lang sya sa mata ko.

Bigla naman akong nailang dahil sa tingin nya at inilihis ang tingin ko sa iba.

"Ah punta lang ako sa kwarto" sabi ko sa kanya dahil muka namang wala syang sasabihin.

Papaalis na sana ako pero kinapitan nya ang braso ko para pigilan.

Tumingin naman ako sa kanya at nakatingin din sya sakin.

"Hindi kapa kumakain" sabi nya.

Pero hindi nya parin ako binibitawan.

"Ah hahaha wala kasi talaga akong gana" sabi ko with a smile.

Hindi naman naalis ang mata nya sakin ni kahit kurap hindi nya ginagawa

Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakakapit nya pero mas lalong humigpit pa ang kapit nya.

"No" sabi nya.

Nag taka naman ako sa sinabi nya.

"Hu? Bakit?" Tanong ko.

Hindi naman sya sumagot at nakatingin lang sakin.

"Kakain ka! Hindi mamaya hindi bukas. Kakain ka ngayon" sabi nya.

Ano bang nangyayare sa kanya? Kanina lang si Sana ang nasa isip nya tapos ngayon inaalala nya ako? Ang sakit talaga sa ulo nito.

"Ah hahaha sige mamaya nalang" sabi ko at sabay hila nang braso ko nang naramdaman kong lumuwag ang pagkapit nya.

Hindi ko na tinignan ang expression nang muka nya at nag lakad na para umakyat papunta sa kwarto ko.

Pag pasok ko humiga agad ako sa kama at pinikit ang mata para makapag isip ulit.

Always YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon