LISA'S POV
Di naman nag tagal at natapos na ang una naming klase. Lumabas na din ang professor namin pag katapos nyang mag paalam.
"Nayeonah! Minajjang! Sorry na kasi" sabi ko sa dalawang nag aasikaso na ng gamit nila.
Dahil tapos naman na akong mag asikaso ng mga gamit ko.
Hindi naman nila pinansin ang sinabi ko.
"Hindi nyo ba talaga ako papansinin?" Iritang tanong ko sa dalawang katabi ko.
Pero hindi parin sila sumagot. Nakaisip naman ako ng paraan para pansinin nila ako.
Kinuha ko na ang gamit ko at tumayo. Hindi ko sila tinignan pero alam kong tumingin sila sakin dahil sa pag tayo ko.
Kaya nag simula na akong mag lakad papalabas ng classrom namin ng hindi sila nililingon.
Nasa hallway na ako ng biglang may tumabi sakin habang nag lalakad. Napangiti naman ako ng makita kung sino ang mga iyon.
"Akala ko matitiis nyo na ako e hahahaha" sabi ko sa dalawa habang nakangiti.
"Kahit kelan talaga Lisa. Pasalamat ka kaibigan ka namin" sabi ni Mina
Tumawa naman ako dahil doon
"Salamat" sabi ko.
Bigla naman akong hinampas sa braso ng katabi ko ding si Nayeon.
Tinawanan ko lang din naman sya at nag lakad na kami sabay sabay. Papunta na silang dalawa sa susunod nilang klase.
BINABASA MO ANG
Always YOU
FanfictionHanggang saan ang kayang gawin ni Lisa para kay Jennie para makuha nya ito. Enjooooy :) 🎖️#5 twice 🎖️#6 redvelvet 🎖️#11 lesbianstory