LISA'S POV
"This is the DAY!" sabi ko sa sarili ko pag tayo ko sa kama ko.
Oo eto na nga ang araw para official na tanungin ko si Jennie to be my fiance. Ayoko naman kasi syang pakasalan ng hindi ako yung nag tatanong sa kanya para pakasalan ako.
Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos mangyare yung pag sabi nya saking may feelings na din sya. Sa dalawang araw na lumipas naramdaman kong totoo nga may feelings na talaga sya.
Nag reminisce ako sa dalawang araw na nakalipas habang nag aasikaso ng sarili ko.
"8am palang" sabi ko sa sarili ko.
Saturday naman kasi ngayon, meron na din kaming kasama sa bahay dahil nung nakaraan dumating na din yung mga kasambahay galing sa mga pamilya nila.
Kaya pwede na akong hindi mag madali para bumangon at para magluto. Dalawang araw na din akong ginigising ni Jennie pag handa na ang breakfast.
Sa dalawang araw na yun feeling ko nasa langit na ako o isang panaginip na ayaw ko ng magising kasi sobrang saya. Yung pinapangarap kong mangyare lang dati nangyayare na ngayon.
Sa dalawang araw na pag gising nya saakin lagi nalang kiss sa forehead ang gumigsing sakin at pag mulat ng mata ko isang ngiting hindi mo makakalimutan ang sasalubong sayo.
Ngayon naririnig ko sa baba nag kakagulo na sila ibig sabihin gising na silan lahat. Kumatok na si jennie kanina sa kwarto pero hindi ko na pinapasok dahil gusto ko sya makita mamaya ng nakaayos na.
Tapos na akong mag asikaso ng sarili ko kaya napag desisyunan kong bumaba na para batiin silang lahat ng Goodmorning.
BINABASA MO ANG
Always YOU
FanfictionHanggang saan ang kayang gawin ni Lisa para kay Jennie para makuha nya ito. Enjooooy :) 🎖️#5 twice 🎖️#6 redvelvet 🎖️#11 lesbianstory