Thirty

1.9K 49 6
                                    

JENNIE'S POV

Kanina pa akong 3am sa bahay ni Lisa pero ni isa sa kanila wala paring umuuwi.

Nasa hagdan lang ako naka upo o hindi kaya palakad lakad dahil hindi ako mapakali.

Dahil hanggang ngayon wala parin akong balita. Tinetext ko sila Irene to ask kung may balita na sya pero wala parin daw.

4:30 am na pero hindi parin ako mapakali ni hindi ko kayang matulog kahit anong pilit ko.

Kaya umupo nalang ulit ako sa hagdan at sinandal ang ulo ko sa kapitan at tumulala sa pintuan para hintayin sila.

Hindi ko namalayan naka tulog pala ako dahil sa pag sandal ng ulo ko sa kapitan ng handan.

Nag pagising saakin ang ingay mula sa labas ng pintuan at papasok sa bahay. Tumingin ako sa orasan 6:15am na maliwanag na din sa labas.

Sinalubong ko naman sila pag bukas agad nila ng pinto.

"Jennie" sabi ni Jeongyeon.

Tinignan ko naman sila isa isa na alam kong may inis sa muka nila at alam ko din na galit saakin si Nayeon.

Hinanap ko naman si Lisa sa kanila, tinignan ko kung nasa gilid ba nila o nasa likuran lang nila pero wala hindi ko sya makita.

"S-si Lisa? Hindi nyo sya kasama?" tanong ko sa kanila.

Pag tanong ko ay bigla nalang nag lakad si Nayeon paalis sa likod ko at sinundan naman yun ng apat.

"Please i just want to know if she's okay" sabi ko sa kanila pag lagpas nila saakin.

Always YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon