Lisa's POVDumiretsyo na kami ni rosé sa cafeteria dahil nauna samin si Jennie sa pag lalakad kanina.
Pag dating namin sa caf hindi ko makita si Jennie na nakatayo, naka upo na siguro yun.
Hinahanap nang mga mata ko si Jennie nang kalabitin ako ni rosé.
"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin.
Hindi naman sya tumigil sa pag kalabit sakin.
"Ano ba yun Roseanne Park" sabi ko sa kanya nang may irita.
Nakatingin lang ako sa kanya nung humarap ako, pero may tinitignan syang iba.
Tinuro naman nya sakin kung anong tinitignan nya na mukang hindi nya maalis ang tingin nya.
Tignignan ko naman kung anong tinitignan nya.
Nang makita ko si Jennie at seulgi na seryosong nag uusap pero mukang si Jennie lang seryoso at si suelgi naiilang na mukang nahihiya sa pinag uusapan nila.
"Shoooocks!" Sabi ko sa sarili ko.
At Hindi na hinintay na mag salita si rosé at pinuntahan ko na silang dalawa sa table nila.
Pag dating ko sa table nila sabay silang tumingin sakin, pero kay seulgi lang ako nakatingin dahil pinandilatan ko sya nang mata.
Tumingin naman ako kay jennie na pilit ang ngiti pero nakatingin lang sya sakin nang walang expression ang muka.
"Ah eh jen? Excuse lang ah? Mag uusap lang kami ni suelgi saglit" sabi ko sa kanya.
Hindi ko na hinintay na mag salita si Jennie at kinapitan ko na ang kamay ni suelgi at hinila papatayo.
"But Lili nag uusap din kami" sabi nya nung di pa kami masyado nakakalayo sa kanila.
Pero hindi ko na sya nilingon at hinila na papalabas nang caf si seulgi
Pumwesto kami sa labas lang nang caf at dahil transparent yung glass nang pintuan nang caf kita ko si jennie kung nasaan kami
Tumingin naman muna ako kay seulgi bago mag salita
"Ano bang problema mo babae ka? Nag uusap kaya kami nang fiancée mo!" Sabi nya sakin with cross arms.
Huminga naman ako nang malalim bago mag salita dahil inunahan nya ako.
"Sinagip kaya kita" sabi ko at ginantihan nang cross arms.
Nag frown naman ang muka nya dahil sa sinabi ko bakit tama naman ah? Baka bigla syang awayin ni Jennie dun.
"Sinagip? Bakit? May gagawin ba sakin si Jennie na masama?" Tanong nya.
Tinignan ko naman muna si Jennie saglit and I was shookt because she is seriously looking at me too.
"Ano bang pinag uusapan nyo?" Curious na tanong sa kanya.
Nag cross arms naman sya bago nya sagutin ang tanong ko.
"Pinag uusapan lang naman namin yung ginawa nyo buong weekend na hindi namin natapos dahil bigla kang sumingit, higante ka!" Sabi nya with matching taas nang kilay sakin.
Pasimple kong tinignan ulit si Jennie at nakatingin parin sya samin.
I sigh.
Tumungo muna ako bago mag salita.
BINABASA MO ANG
Always YOU
FanficHanggang saan ang kayang gawin ni Lisa para kay Jennie para makuha nya ito. Enjooooy :) 🎖️#5 twice 🎖️#6 redvelvet 🎖️#11 lesbianstory