Six

2.3K 39 0
                                    


Lisa's POV

Nag lalakad na kami papunta sa room nila Jennie.

Pero ni isa samin walang nag sasalita tho ganto naman kami lagi dahil ayaw ni Jennie nang maiingay habang nag lalakad.

Nag lalakad kami nang bigla nalang itinapon ni Jennie yung milk ice cream nya sa basurahan na nadaanan namin.

Nagulat ako sa ginawa nya, itatapon nya lang din naman pala sana ibinigay nya nalang kay Irene.

"Jennie? Bakit mo tinapon? Sana binigay mo nalang kay Irene" sabi ko habang nag lalakad.

Naiinis ako, hindi sa kanya kundi sa ginawa nya sana kasi binigay nya nalang kay Irene.

Tumigil si Jennie nung narinig nya yung sinabi ko.

"Edi kunin mo tsaka mo ibigay sa kanya" sabi nya sabay lakad ulit.

Lumapit naman sakin si rosé at hinagod ang likod ko para damayan ako.

"Ang gulo nya talaga" sabi ko nalang kay rosé sabay lakad na ulit.

Nakarating na kami sa room nila at nag paalam din agad ako para pumunta na din sa first sub ko.

"Kita kits nalang mamaya ah, una na ako" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Sige ingat ka ah" sabi ni rosé.

Tumingin naman ako kay Jennie kung may sasabihin pero dumiretsyo na sya agad sa room.

Lagi syang ganun kaya siguro nasanay nalang ako sa sitwasyon namin.

Pabalik na ako para pumunta naman sa room ko at makapasok na din.

Nag lalakad na ako nang nakita ko si Irene na nag lalakad din papunta sa way na dadaanan ko kaya nilapitan ko na para mag sorry para sa kanina.

"Ireeeeeene!" Sigaw ko para marinig nya.

Narinig naman nya tumigil sya at nilingon ako para ngitian.

"Irene, pasensya na sa kanina ah? Ganun lang talaga yun si Jennie" pag hingi ko nang tawad sa kanya.

"Hahaha ano kaba okay lang no! Kilala kona si jennie, alam ko nang ganun ugali nun. Diba nga nag kasama na kami nyan dahil sa isang org.?" Pag papaliwanag ni Irene sakin.

"Pero kahit na, medyo mali lang talaga yung ginawa nya. Pasenysa na ulit ah" pag hingi ko ulit nang tawad.

Nakakakonsensya din kasi e, tapos itataapon lang din naman pala ni Jennie yung ice cream.

"Wala yun, ikaaaaaw ha! Hindi mo naman sinabi na malapit kana palang ikasal" pag bibiro sakin ni irene na may kasama pang pag siko sakin.

"Hahahaha naging busy lang talaga kaya di na kita nabalitaan tska konti lang pati nakakaalam nun ha" sabi ko kay Irene.

Ayoko din na may makaalam na marami kasi magiging issue lang yan sa school.

Zinip nya yung bibig nya sabay tapon nang susi gesture for me to know na hindi sya mag sasalita at Hindi sasabihin kanino man.

"Maasahan ka talaga kahit kaylan" sabi ko nalang sa kanya.

Nag tatawanan lang kami ni Irene habang nag lalakad papunta sa mga room namin.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa room naenjoy ko masyado yung kwentuhan namin ni Irene.

Always YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon