Eight

2.2K 54 9
                                    

Lisa's POV

Hindi ako agad nakatulog nung gabing yun dahil sa ginawa nya sakin.

Feeling ko buong gabi akong gising kakaisip sa nangyare, tinanghali tuloy ako nang gising.

"Shooooocks! Anong oras na! Hindi na ako nakapag luto nang umagahan! Lagot ako nito" sabi ko sa sarili ko.

Nag mamadali akong tumayo at nag ayos nang sarili at tinignan ang oras.

"Shit! 9:30 na" I cursed my self.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko bumaba na agad ako para makapag luto na agad sana.

Pero pag baba ko nakita ko si Jennie na kumakain na.

Nag padeliver sya?

"Uhm sorry na late ako nang gising, di kasi ako nakatulog nang ayos kagabi" sabi ko sa kanya pagkalapit ko.

Tumingin lang sya sakin at kumain na ulit.

"Uhm mag luluto ako may gusto kaba? Tanong ko sa kanya.

Papunta na sana ako sa kusina para mag luto nang kakainin ko nang bigla syang nag salita.

" Nag padeliver na ako mag luluto kapa" she said.

Nagulat ako sa sinabi nya yun na yata ang pinaka mahabang sinabi nya sakin.

Napatigil naman ako sa mga sinabi nya.

"Ah okay lang sige sayo nalang yan kaya ko naman mag luto" nahihiyang sabi ko

Baka kasi kulang pa sa kanya yun nakakahiya kung sasaluhan ko pa sya.

"You're my fiancé! What I ate is what you eat!" Sabi nya sakin na nakataas ang kilay.

Napatigil naman ako sa sinabi nya. Totoo ba tong mga naririnig ko sa kanya?

"Now go here and eat!" Jennie said

Sabay kain ulit nang pinadeliver nya.

Pumunta naman ako sa pwesto nya at uupo na sana sa tapat nya nang mag salita ulit sya.

"Seat here" sabi nya

Nagulat naman ako kung saan yung tinutukoy nya na umupo ako.

Shoooocks sa tabi nya? Bakit? Jennie? Anong meron? Kagabi kapa ah?

"Uh? Kasi baka magalit ka tska nakakahiya makikikain na mga ako sa pinadeliver mo ta-" sabi ko na pag putol nya

"I said seat beside me Lisa. Ikaw ang fiancé ko so act and be like my fiancé what you buy is for us and what I buy is for us. Understood?" Pag papaliwanag nya.

Nagulat naman ako sa mga sinasabi nya ngayong umaga. Parang kagabi binigyan ko lang sya nang ice cream tapos... Teka? May gayuma kaya yung ice cream na yun?

At ngayon nya lang ako tinawag sa pangalan ko! Tinawag nya ako sa pangalan koooooooooo!

"Diba ayaw mokong katabi? Kaya nga lagi ako sa tapat mo umuupo." Sabi ko habang papunta sa isang upuan bago ang upuan nya.

Tumingin sya sakin habang umuupo sa upuan.

"I said seat beside me!" Matigas na sabi nya.

Inurong nya yung upuan na katabi nya para sabihing doon ako umupo.

"Sabi ko nga dyan" sabi ko nang mahina.

Always YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon