LISA'S POVNasa kwarto ako ngayon at ngiting ngiti na hawak ang phone ko habang hinihintay ang reply ni Nini saakin.
Hindi ako makapaniwala sa nangyare kanina, hindi ko inaasahan na sumunod pala sya sakin.
Flashback
Hindi pa ako nakakalayo masyado sa school pero yung bigat na nararamdaman ko bigla nalang binuhos ng mga luha ko.
Dahil sa sakit bigla nalang akong napaiyak, pinigilan kong umiyak dahil nag dadrive ako.
Sakto naman na nag stop light para punasan ko ang luha ko at pinilit na wag ng umiyak.
Hahanapin ko sana ang phone ko para tawagan ang isa sa apat para sunduin nalang ako kasi hindi ko na ata kayang mag drive ng bigla nalang mag green light.
Lumiko naman na agad ako dahil wala naman akong magagawa, umandar na itutuloy ko nalang ang pag dadrive ko.
Pero ilang segundo palang akong hindi umiiyak pero bigla ko nanamang naalala ang mga mata nyang nakatingin saakin.
Kaya pinunasan ko kaagad ang mga luha na tumutulo galing sa mata ko dahil baka maaksidente ako bigla.
Nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko, kaya nilingon ko kaagad yun para makitang si Jennie pala iyon na sumunod saakin.
Pero hindi ako tumigil sa pagdadrive.
"Lili please" narinig kong sabi nya sa kabilang sasakyan.
Kaya napatigil nalang ako bigla. Nakita ko naman na itinigil naman nya ang kotse nya sa harap ng sasakyan ko.
Bumaba naman agad ako nung makita kong tumigil na ang kotse nya.
BINABASA MO ANG
Always YOU
FanfictionHanggang saan ang kayang gawin ni Lisa para kay Jennie para makuha nya ito. Enjooooy :) 🎖️#5 twice 🎖️#6 redvelvet 🎖️#11 lesbianstory