Jennie's POV
Bakit dito ako dinala ng mga paa ko? Tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang napaka gandang tanawin mula sa kinalalagyan ko.
Matagal tagal na din akong hindi nakapunta dito simula nung nawala sya. Oo sya nga, dito kasi kami lagi pag gusto naming kami lang ang mag kasama pag nasa school kami.
Lumapit pa ako sa pinaka edge ng lugar para tignan ang nga estudyante na mga nag lalakad para pumunta kung saan sila dapat pumunta. Pero napukaw ng mata ko ang pamilyar na tao mula sa baba.
"Si Lisa ba yun? Sinong kasama nya?"
Tanong ng isip ko sa sarili ko. Dahil may humihila sa kanya kung saan man sila pupunta.
Akala ko ba pupuntahan nya sila seulgi? e bakit palabas sila ng campus? tinignan ko naman ang direksyon na pinupuntahan nila at ang kinakawayan ni irene.
Sila Seulgi nga at kasama nya si Wendy! Kahit medyo maliit sila sa paningin ko nakikita ko parin sila ng ayos.
Pag lapit nila agad namang niyakap ni Irene si Seulgi at ganun din naman ang ginawa ni Seulgi pabalik sa kanya. Pag katapos ay si Lisa naman ang niyakap ni Seulgi.
"HEHE"
mahinang pag tawa ko nang makita kong binayukan ni Seulgi si Lisa pagkatapos nitong yakapin ito.
Ewan ko ba basta pag si Seulgi ang kasama ni Lisa panatag ako e. Nakita ko namang niyakap din ni Irene si Wendy pagkatapos nya kay Seulgi. Habang nag aaway parin yata si Lisa at Seulgi tinatawanan lang ito ng dalawa nilang kasama.
Naka ngiti lang ako habang pinapanood sila mula sa roofdeck kung nasaan ako. Bigla namang nag vibrate ang phone ko kaya agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ng palda ko.
BINABASA MO ANG
Always YOU
FanfictionHanggang saan ang kayang gawin ni Lisa para kay Jennie para makuha nya ito. Enjooooy :) 🎖️#5 twice 🎖️#6 redvelvet 🎖️#11 lesbianstory