Twelve

2.2K 39 0
                                    

Lisa's POV

'Wait until I hit u with the DDU-DU DDU-DU'

Pag iingay nang alarm ko para magising na ang sarili kong uhaw sa tulog.

Kinuha ko ang phone ko para patayin na ang paulit ulit na tunog nito dahil baka pati si Jennie magising na.

Pagkapatay ko nang alarm umupo muna ako dahil sobrang sakit nang ulo ko.

"Lisaaaaaaa! Baliw kaba? Bakit ka kasi uminom? Alam mo namang may pasok!" Sabi ko sa sarili ko habang hinihilot ang sobrang sakit na sintido ko.

Bumangon na din ako agad matapos kong hilutin ang ulo ko sa sobrang sakit.

Bakit ka kasi nag inom babae ka! Alam mo naman maaga ka gigising!

E kasi baka makita pa ni Jennie na may alak sa ref mamaya sya pa uminom nun kaya lnubos ko na

Baliw kaba? Tao yon nag bubukas nang ref malamang nakita nya na yun!

Oo baliw ako! Nakikipag usap na ako sa sarili ko habang pumupunta sa harap nang salamin.

Pag tingin ko sa sarili ko sobrang laki nang eyebags ko, kung ano ano kasing ginawa mo kagabi lisaaaa!

Pinagod mo lang mata mo kakanood kagabi nang series na yun.

Bigla ko naman naalala na nasa salas nga pala ako kagabi

"Teka? Pano ako napunta dito?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Wala naman akong maalala kahit anong isipin ko lalo lang sumasakit ulo ko pag nag iisip.

Nag asikaso na ako nang sarili ko dahil anong oras na din.

Pumunta na ako nang cr sa labas para gawin ang morning routine ko.

Toothbrush • Hilamos • Suklay okay na.

Bumaba na agad ako pag katapos para makapag luto na.

Pero pag baba ko naabutan ko si Jennie sa dinning table na may iniinom.

Ano yun? Kape o gatas? Di ko kita e.

Nakuha ko naman ata ang atensyon nya pag baba ko

"Ow hi Lili. How's your sleep? Masakit ba ulo mo?" Tanong nya sakin.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tanong nya at sa tinawag nya sakin.

OMG! DON'T TELL ME ALAM NI JENNIE NA NAG INOM AKO KAGABI? Oooooow gooooooash.

"Ah hehehe oo masakit nga ulo ko. Pano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya para malaman ko na agad ang sagot sa tumatakbong tanong sa isip ko na kung alam ba nya.

Hindi naman naalis ang tingin nya sakin with matching smile pa kaya bigla akong nailang at inilihis ang tingin ko sa iba.

"Aaah hahaha wala kabang natatandaan? btw Goodmorning Lili. Tara na dito kumain kana" sabi nya sakin.

At inuusog ang katabi nyang upuan para duon ako umupo.

Nag lakad naman na ako papunta sa tabi nya para umupo. Mag rereklamo nanaman kasi to pag sa iba ako umupo.

"Good morning din. Ah Jennie? Ikaw nag luto? Dapat hindi kana gumising nang maaga baka kulang kapa sa tulog nyan" sabi ko sa kanya.

Baka kasi mabadtrip nanaman yan dahil kulang sya sa tulog mahirap pa naman yan kausapin pag badtrip na.

Tumingin naman sya sakin bigla nung sinabi ko yun.

Always YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon