pang-apat na liham

176 16 103
                                    

ikalawang araw ng Hunyo, 1887

Tuwing Sabado palagi kitang nakikita sa may batis, Ginoo. Nagtataka na sa akin noon ang aking pinsan kung bakit gustong-gusto kong sumama sa kanya sa pagpunta sa bahay ng kanyang nobyo. Ikaw. Ikaw ang dahilan, Ginoong Mabini.

Sa batis kasing iyon ay walang tao. Sa batis na iyon mas payapa ang aking pag-iisip. Sa batis na iyon naroroon ka at nag-aaral. Minsan, hindi tayo nag-uusap. Minsan gumagawa lamang ako ng koronang bulaklak o kaya nagbabasa rin.

Kung mag-usap man tayo, laging ikaw ang nauunang magbubukas ng usapan. Kakamustahin mo ako at sasagutin kita. Mga mumunting pag-uusap lang ang ginagawa natin hanggang sa tatahimik ka ulit at tatahimik na rin ako.

Payapa lagi ang Sabado ko dahil sa iyo, Ginoo. Masaya ako nang sinabi mo sa akin noon na ganoon rin ang epekto sa'yo.

At dahil sa paulit-ulit nating sekretong pagkikita sa batis, mas nahulog ang loob ko sa'yo. Nakakatuwa, hindi ba? Ikaw lang naman ang kaibigan kong laging nakikita tuwing Sabado. Ang tahimik kong kaibigan na minsan ko lang ring nakakausap. Ngunit, nagustuhan ko ang ugali mong iyon, Ginoo.

Hindi ako mahilig sa maingay na tao, alam mo iyon. Mabilis akong mapagod sa mga ganoong tao. Kaya, hindi na siguro nakapagtataka na iibig ako sa isang tahimik na binatang tulad mo.

"BAKIT ka nagpapaturo sa akin na tumugtog ng gitara, Manuela?" tanong ni Eustacio kay Manuela. Ito lang kasi ang isa pang lalaking kilala niya kaya ito lamang ang natanong niya ukol doon.

"Ika'y mahusay tumugtog, Eustacio," simpleng sagot naman niya rito, narinig niya kasi ang binatang tumugtog nang minsang haranahin nito ang kanyang pinsan. At mas makakatulong iyon para makumbinsi niya ang binata, madali kasing kausapin si Eustacio kung pupurihin mo siya.

Ayaw niyang sabihin dito ang tunay na dahilan kung bakit gusto niyang matutong tumugtog. Sigurado siyang hindi ito papayag kung sabihin niya man. Kahit na sinong pagsasabihan niya ng kanyang plano ay hindi papayag sa gusto niyang gawin.

Ngumisi naman si Eustacio sa papuri niya. "Ganoon ba? Ngunit bakit naman magugustuhan ng isang binibining matutong tumugtog ng gitara?"

"Magiging sekreto lamang natin ito, Eustacio. Kahit si Socorro lang ang pagsabihan mo."

Napakunot noo naman ito at nagtatakang tinignan siya. "Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Dahil isusumbong ko kayo kay Tiyo. Sasabihin kong sa tuwing sumasama ako sa inyo ay hindi ko kayo binabantayan. Wala akong pakialam kung pagalitan man ako," diretsa niyang sabi. Labag sa kalooban niyang suhulan ito ngunit marami kasi itong tanong.

Agad namang napaubo ito sa sinabi niya. Nasa kalagitnaan kasi ito ng pagkain ng mansanas na muntik pa nitong maibuga palabas dahil sa kanya. "Manuela naman..."

"Tuturuan mo na ba ako, Eustacio?" pigil ang hiningang tanong niya. Pinatigas niya ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha kahit na nanginginig ang kanyang mga kamay. Alam niya na hindi niya dapat ginagawa iyon. Siya ang babae. Laging ang mga lalaki ang may karapatang laging masunod sa kung anong gusto nila.

Nang tumango na si Eustacio ay doon lang siya nakahinga ng malalim. Ninenerbyos namang tumawa ang binata. "Tama nga si Socorro. Nakakatakot kang magsalita kaya lagi kang tahimik."

Napailing siya sa sinabi nito at hindi na ipinagtanggol ang sarili. Ang importante lamang sa kanya ay matutong tumugtog ng gitara. Laitin man siya nito ay iindahin na lamang niya.

[ - ]

IISA lang ang ilaw na nakita ni Manuela sa bahay na tinutuluyan ni Pole, iyon ang lamparang ginagamit nito. Nasa tapat ng bintana ang binata at kasalukuyang nagsusulat sa papel habang nagbabasa. Kahit na hindi ganoon kaganda ang ilaw na ibinibigay ng lampara ay masipag pa rin itong nag-aaral.

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon