s: si Senyor Salazar [ 3.1 ]

67 8 58
                                    

[ 1887 - Ang paghihiwalay ]

Sa lahat na ata nang pinagdaan ng magkasintahan ay naging saksi si Isidro. Ngayon nga ay alam niyang pupunta na ang dalawa para humingi ng permiso upang ikasal sa mga magulang ni Manuela. Kung kilala sana siya ng mga ito ay siya na mismo ang nagpayong huwag na nilang gawin iyon.

Ngunit, iba nga naman talaga ang matanggap ang pagsasama nila ng mga magulang ng dalaga. Kung siya rin siguro ang mga nasa paa ni Apolinario ay nanaisin niya ring ipaalam ang pagkuha ng kamay ng dalaga kaysa sa patagong ikasal.

Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Pakiramdam niya kasi ay maaring hindi magiging maganda ang kalalabasan ng gagawin ng magkasintahan. Dahil sa paulit-ulit na pagbibisita nila noon ni Samaniego kay Socorro ay nagawa niya na ring makilala ang mga magulang ni Manuela pati na ang mga kapatid nito. Strikto ang mga magulang ni Manuela. Masyado ring prinoprotektahan ng mga kapatid ang dalaga sa mga lalaking sa tingin ng mga ito ay hindi karapat-dapat sa kanya.

At mukhang hindi siya nagkakamali, dahil kahit wala siyang narinig mula sa nagaganap sa labas ay sapat na ang makita niyang lumabas sa bahay si Apolinario at nagmamadaling sumunod naman sa nobyo si Manuela. Sinundan niya lamang ng tingin ang dalawa ngunit hindi siya gumalaw mula sa pinagtataguan. Wala siyang karapatang alamin kung anuman ang maari nilang pag-usapan. Wala siyang karapatang makialam.

Kaya, sa halip, ay nanatili siya sa pinagtataguan at naghintay. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at hindi niya maiwasang maisip na baka may hindi magandang mangyari ngayong gabi.

~ ~ ~

Hatinggabi na nang makita ni Isidro sa malayuan ang dalaga. Mabilis niyang pinakaripas ng takbo si Seda at nang makalapit na siya rito ay nanlulumong siyang bumaba. Napaluhod siya sa harap nito at hindi nito napansin ang presensya niya. Mukhang namatay ang dalaga sa hitsura nito. Nakahiga ito sa lansangan at yakap-yakap ang sariling nakatulala sa kawalan. Pinipigilan nitong huminga na kung sakaling ginawa nito iyon ay baka...

Nakarandam siya ng kakaibang sakit sa dibdib. At mas lalong bumigat iyon dahil hindi niya ito mahawakan, hindi niya ito maalo. Hindi siya ang nararapat na sumagip dito sa kinasasadlakan. Kaya, sa halip, na buhatin ito at dalhin ito sa ibang lugar ay umangkas muli siya sa kabayo. Pinakaripas niya ng takbo si Seda patungo sa bahay ng mga Guevarra.

Hindi niya alam ang nangyari ngunit kung sapat na iyon para naisin na ng dalagang mamatay ay maaring huli na ang lahat. Nakakatawa na ang relasyon na prinotektahan niya ng apat na taong pagtatago sa mga anino ay mabubuwag ng isang gabi lang.

Pati siya ay nasasaktan sa naganap. Ang akala niya pa naman ay habang buhay na magkakasama ang dalawa. Sa kanila lang niya nakita ang pag-ibig na kayang mabuhay kahit na malaki ang balakid na pumapagitna roon. Na walang pakialam sa estado, sa hitsura, at sa kahit na ano. Kung tutuusin para na nga silang iisang tao.

Ngunit...

Umiling siya at nang makita na niya ang mga magulang ni Manuela na nagmamadaling puntahan ang kanilang anak, ay iginaya na niya ang kabayo sa ibang direksyon. Kailangan niya ring makita kung ayos lang ba ang kalagayan ni Apolinario.

Matagal bago niya ito nakita at nang nakita niya na ito ay iginagaya naman ito ng isang matanda sa loob ng isang bahay. Katulad ni Manuela ay patay rin ang mga mata ng binata. Mas lalo siyang nanlumo sa nakita. Hindi niya alam na kaya pala ng ibang taong patayin ang magkasintahan. Ang akala niya ay walang kahit na sinong makakaparandam sa dalawa ng mga ganoong bagay. Ngunit, mali pala siya.

Napapahid siya sa pisngi dahil doon niya lang napansin na nag-uunahan na naman ang mga luha mula sa kanyang mata.

Malungkot. Napakalungkot.

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon