epilogo: emmanuel [ 1 / 2 ]

84 9 98
                                    

EMMANUEL

KANINA pa tinitigan ni Manuel ang cellphone niya na nakalagay sa tokador ng sasakyan. Lagi na niya atang ginagawa iyon. Hah. Being a creature of habit, it was something that would take some time to get used to not doing. Tatlong taon din siyang nasanay na gawin iyon.

It was a habit borne from the fact that his girlfriend would always message him before he got home. Lagi itong magsasabing mag-iingat siya at ito pa ang magagalit kung mag-re-reply siya kasi dapat hindi raw siya nag-re-reply kung nag-da-drive siya.

He would laugh because she was the one who called in the first place. She would tell him that she's testing him. He told her that he'd always answer. Mabilis lang naman siyang ma-traffic minsan and besides, paano kung nagka-emergency? He would die of regret if he didn't answer her call and know later on that she's in the hospital, or worse, dead.

But now, he's been staring at a silent phone. It has been silent for a week now.

Napapailing na nag-drive na lang siya. Oo nga pala, nakipag-break pala sa kanya si Apoline. Alangan naman i-text siya nito. Besides, she blocked him as well. Hindi lang sa text kundi pati na sa lahat ng social media kung saan either friend o follower siya ng nobya. Mali, ex-girlfriend pala.

Hindi siya sanay.

Ang sabi sa kanya ng mga kaibigan niya ay subukan niyang maghanap ng iba. Kahit pampalipas oras lang daw. Mga ulol ang mga kaibigan niyang iyon. Muntikan na nga siyang makipagbasag-ulo nang nagpayo ang mga ito nang ganoon sa kanya. Hindi siya bayolente, pero kung ang ibang tao ang mapupunta sa mga paa niya ng mga oras na iyon ay baka pati sila inupakan na ang mga kaibigan niya.

Si Ysadore at si Emmett lang ata ang pinakamatino sa kanila. Well, the first is his childhood friend and the other one is his cousin. But still...

Kung ang mga kulugo niyang lalaking kaibigan ay rich playboys, iba siya.

He wouldn't have gone through lengths of lying to his parents that he'd be somewhere for six months to learn how to "paint" just to be with Apoline if he was the same. He wouldn't make an excuse that he was attending seminars when actually he was with Apoline, helping her with her charity works. He wouldn't always stay up late at night having intelligent debates with Apoline when he could have been with them, hanging out in a bar and eyeing out women.

Minsan na nga siyang pinagsabihan ng mga ulol niyang kaibigan na para raw siyang alipin ni Apoline.

But then, if he was going to compare Apoline's companionship between them, he'd pick hers. Those guys weren't his real friends either way. Kinaibigan niya lang ang mga ito dahil sabi ng Dad niya. Kung siya ang papipiliiin, wala siguro siyang magiging kaibigan bukod sa pinsan at childhood friend niya.

Hindi siya paladaldal katulad ng mga kulugong iyon. Hindi rin siya mahilig sa vices ng mga ito na paninigarilyo at pag-i-inom. At mas lalong hindi siya mahilig mambabae. It was a waste of time and energy. Hindi niya nga alam kung bakit sanay ang mga iyon doon. Pati nga si Ysadore ay sinubukang isama ng mga ito sa listahan ng mga gusto nilang i-goodtime. It was Apoline who saved Ysadore from those guys.

And Apoline, despite all that, never told him to dump his bullshit crazy friends but he could tell that she disliked them. She just respects his wishes to keep them.

Apoline...

He sighed.

Baliw na nga ata siya. Pa-admit na kaya siya? Saan ba ang pinakamalapit na mental hospital?

Kaya siguro sabi nila kung mag-mo-move on ka, huwag mo siyang iisipin. Iwaglit mo siya sa iyong isipan at magpaka-busy sa kung ano. Na-try niya nang maging busy. Inilagay niya ang atensyon niya sa trabaho. Ngunit, sa tuwing uuwi siya, wala nang umookupa ng utak niya kaya babalik na naman kay Apoline.

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon