s: si Senyor Salazar [ 1.1 ]

103 9 52
                                    

As promised, ito na ang Character Profile ni third sad boy at siya ang main POV ng third story arc, although 'di lang naman siya ang POV.  earlyyy update at ganern basta for reasons. I hope you guys have a nice Monday ^^

 I hope you guys have a nice Monday ^^

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ ika-siyam na araw ng Abril, 1903 ]

"Ginoong Pole, mayroon ka hong bisita," wika ni Pedro mula sa kabilang kwarto ng bahay na tinutuluyan ni Apolinario. Itinaas niya ang ulo mula sa binabasang aklat at nagtatakang tumingin sa paparating na binata. Madalang nang may bumibisita sa kanya simula nang nakauwi siya mula sa Guam. Kung hindi niya kapamilya o kaibigan ay walang gumagambala sa kanya maghapon.

Hindi naman sa ayaw niya ng bisita. Bukas ang bahay niya sa kung sinumang gustong humingi ng payo sa kanya.

"Sila'y tawagin mo rito," wika niya sa binata na nakadungaw na sa may tapat ng bukas na pinto.

"Sige ho, Ginoo."

Nakangiting nagpasalamat siya. Ito ang anak ng kapitbahay niya. Nagprisinta itong tulungan siya sa mga maliliit na bagay at dahil malaki ang pasasalamat niya ay tinuturuan niya itong magbasa at magsulat. At isa namang magiliw na estyudante ang binatilyo.

"Pumasok na ho kayo sa loob," tawag ni Pedro sa kung sino at may sumagot naman dito. Tumingin si Pole sa pinto at nakita ang mga pumasok.

Isang nakaposturang lalaki iyon na sa hitsura pa lamang ay alam niyang isang Senyor, anak mayaman. Hawak nito ang kamay ng isang batang babae at nakahawak naman sa paanan nito ang isang batang lalaki. Imposibleng hindi niya mamukhaan ang dalawang bata. Ang batang babae noon ay limang gulang lamang habang ang batang lalaki ay isang sanggol.

Hindi niya alam kung anong ekspresyon ang lumabas sa kanyang mukha. Gulat ba? Pagkamangha? Pagkaintriga?

Ngunit, sino bang hindi magugulat? Sinong hindi maguguluhan?

Mas lalo pa siyang nagulat nang humarap pa ang Senyor sa kanya. Tama siya, ito nga si Senyor Salazar, ang asawa ni Manuela. At ang mga batang kasama nito ay ang mga anak nila. Kapansin-pansin ang hitsura ni Manuela sa mga bata, nakuha ng panganay ang buhok at mata ng Ina. Nakuha naman ng bunso ang ilong at mga labi.

"Ginoong Mabini," panimula ni Senyor Salazar. Ginawaran siya nito ng isang tipid ngunit may respetong ngiti.

Saglit na walang lumabas na mga salita sa kanyang bibig, nagawa niya lamang iyong buksan. Mukhang hindi naman nagmamadaling humingi ng sagot ang Senyor. Ang batang babae ay napatingin sa kanya, habang nahihiyang nagtago naman ang batang lalaki sa likod ng Ama nito.

"Senyor... Salazar," sa wakas ay nawika niya. Hindi niya alam kung bakit nandito ang lalaki, hindi niya alam bakit dinala nito ang mga anak nito at mas lalong hindi niya alam kung papaano niya ito pakikitunguhan. Hindi sa may namuong galit sa kanyang puso dahil ito ang naging asawa ng iniirog. Hindi niya naman ito kilala.

Hindi niya lang alam na sa dinami-dami nang gustong makita ng Senyor ay magiging isa siya roon. Siya na alam nitong nagmamay-ari sa puso ni Manuela. Hindi sa siya ay nagmamayabang, wala namang maitutulong iyon.

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon