epilogo : apoline [ 2 / 2 ]

69 9 70
                                    

Mabilis itong nag-iwas ng tingin at namumulang umubo sa kamao. Ito nga talaga si Manuela sa hinaharap. Pati ang mannerism nito ay laging ginagawa ni Manuel. She always thought that it was cute. Napailing na lang siya at hinawakan ang mga kamay nito. "Tara sa loob. Malamig dito."

Tumango ito at sinundan siya sa pagpasok muli sa loob ng bahay. Nadatnan nila ang Mama niya na bahagyang tinanguan si Manuel para batiin. Manuel returned the gesture. Habang siya naman ay ngumiti lang sa kanyang Mama.

Iginaya niya si Manuel sa kwarto niya at pinaupo sa tapat ng bintana kung saan siya tumambay ng ilang araw. Hindi niya binitawan ang kamay nito kaya randam na randam niya ang kaba ng binata. Nanginginig pa rin kasi ang mga kamay nito. Nakakatawa na ang binata pa ang kinakabahan at takot na baka bumitaw siyang muli.

Siya na nga ang unang bumitaw.

Huminga siya nang malalim at hinarap ito bago natatawang inilahad niya ang libreng kamay. "Hi. My name is Apoline Cabrera. Mabini ang maiden name ng Mama ko. Yes, grand tito ko sa tuhod ang national hero natin na si Apolinario Mabini."

Nagtatakang tinignan siya ni Manuel ngunit hindi naman ito nagtanong. Sa halip, kinuha lang nito ang kamay niya at sh-in-ake. A ghost of a smile settles in his lips as he speaks, "Hello... Miss Apoline. It's Emmanuel... Emmanuel Salazar. Kahit Manuel na lang. Walang grand history na nakadikit sa pangalan ko tulad mo but I'd like to hear the story behind that." If only he knew.

Parehas silang tumawa sa ginawa nila. Parang ganoon rin kasi ang introduction nila sa isa't isa noong pangalawang beses silang nagkita. Hindi niya rin inaasahan na maalala pa rin nito iyon. It was nice.

She thanked herself who had the courage to finally talk to him once again. She wouldn't have imagined how her life would have turned out if she didn't make the first step of talking to the guy she just admired from the library windows.

Nang natapos na ang tawanan nila ay nagsalita siya. Sinabi niya ang lahat ng nasa damdamin niya. Ang lahat ng mga bagay na itinago niya rito. Ang lahat ng mga bagay na hindi niya nakayang sabihin dati. Ang lahat-lahat. It was funny how easy it was. Hindi niya pa kailangan tumingin rito.

Hinawakan niya lang ang mga kamay ng binata at nagsalita. At nakakagaan iyon sa damdamin dahil ngayon, she was telling the person who needed to hear it most.

Hindi nagsalita ang binata, nakinig lang ito. Tulad nang sinabi ng Lolo Pole niya sa mga liham nito ay nakita niya ang pagtanggap sa mga mata ni Manuel. At madali lang iyon na parang kahit ano atang sabihin niya ay matatanggap siya ng binata.

She's crying automatically after and she can't help but grip his hands tighter. Pwede pa rin pala siyang umiyak. Akalain mo iyon, isang linggo na siyang umiiyak tapos iiyak na naman siya. "Ma-a-accept mo pa rin ba ako, Manuel? Eventhough, I'm not perfect? Despite my status?"

Hindi sumagot ng verbal si Manuel. Inabot ng binata ang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang malayang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Maliit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya at nagsimula rin itong magsabi ng sariling mga hinaing.

He told her of all the things she noticed but didn't ask him about. He shared his raw and deepest fears. Lahat-lahat rin ang lumabas sa bibig ng binata. Hindi rin ito tumingin sa kanya, he just held her hands for strength. Hindi nga naman madaling basta i-open mo ang sarili sa ibang tao.

When he finished, ibinalik naman nito ang tanong sa kanya. "Can you accept me as well, Apoline? Heck, I'm not perfect as well. And despite the fact that I may or may not be the heir to a multi-billionaire company?"

Hindi rin siya sumagot, niyakap lang niya si Manuel. Ibinalik naman nito ang yakap niya. Ganoon lang.

Tahimik lang sila matapos noon. Humawak lamang sa isa't isa dahil sa gabing iyon, iyon na ang pinakatamang nagawa nila. Ngayon, naroroon na siya sa tabi ng binata ngayong kailangan siya nito. Ngayon, hindi na niya ito muli pang bibitawan. Heck, she'd reason with his parents if she needed to.

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon