pangatlong liham: kasagutan

119 13 107
                                    

P.S. Share ko lang po na fave song ko po ito. Like nung nag-play po siya sa Youtube, pinandilatan ko po yung laptop ko sa gulat kasi akala ko po English yung song bwahaha. Anyways, short patalastas po haha xD Have a nays day ahead!

---------------

ika-tatlumpong araw ng Marso, 1903

Magandang gabi, Binibini. Tama ka, hindi na kita binabati dahil alam kong may sasabihin sila. At sa dinadami dami ng taong may sinasabi, ayokong pati ikaw ay maisama roon. Hindi ko gustong may nasasabi rin sila ukol sa'yo na masama. Ngunit, kung hindi mo mamasamain, marami rin akong narinig. Hindi ko sila pinaniwalaan.

Hindi naman kita lubos na kilala upang paniwalaan ko ang mga sinasabi nila. At kahit na totoo man iyon ay alam ko ang rason kung bakit ganoon ang iyong pakikitungo sa mga tao. Tulad nang una kong sinabi, nakita ko na pinagsabihan ka ng gabing iyon.

Alam ko na palaging tinitignan ng mga magulang mo kung paano ka umaakto sa harap ng mga tao. Gusto nilang lagi kang nakangiti. Gusto nilang lagi kang presentable. Gusto nilang madali ka lamang makakausap ng kahit na sino.

Inihahanda ka nila para may makakita sa'yong kapwa mong anak mayaman at hingin ang iyong kamay. At dahil natural na sa iyong maging masunurin, hindi ka nagreklamo. Ngunit, kung hindi sila nakatingin, hindi mo pinipilit ang sarili mong umakto sa kung anong gusto nila. Nagiging ikaw lang si Manuela, ang simple at tahimik na dilag na gusto ang katahimikan.

Iyon ang napansin ko sa iyo, Binibini. Iyon rin ang dahilan kung bakit mo ako napaibig.

Sa katunayan, nagsimula na akong ibigin ka simula nang nakita kita muli sa batis ng aking kaibigan na si Eustacio.

HINDI alam ni Apolinario kung ano ang gagawin nang dumating si Manuela sa batis. Pigil ang hiningang tinignan niya ang dalaga at mabilis rin siyang napaiwas ng tingin nang nagsimula nitong itaas ang suot na palda. O, Diyos ko, plano ba ng Binibining maligo? Bakit naman dito pa?

Ang akala niya ay wala nang ibang pupunta sa batis dahil iyon naman ang sinabi ni Eustacio nang ipinahiram nito ang mga libro sa kanya kani-kanina lamang. Basta bigla na lang sumulpot ang dalaga na hindi niya nakita ng ilang linggo. Simula kasi nang tumigil siyang batiin ito ay sinubukan na rin nitong huwag siyang tignan.

Aalis na lamang ba ako? Ngunit, kung ako'y gumalaw ay maririnig niyang naririto ako.

Napapapikit siya sa kaba at hinintay na may marinig mula kay Manuela. Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay ang pagpipitas lang ng bulaklak ang narinig niya. Dahan-dahan at labag sa kalooban na dumako ang kanyang tingin sa dalaga.

Nakaupo na ito sa isang bato at nakalagay naman ang kalahati ng paa nito sa batis. Tahimik na namimitas ito ng bulaklak. Wala na naman itong pakialam sa paligid at pumunta na naman ito sa sarili nitong mundo. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung papaano nga ba nito nagagawa iyon.

Napahinga na lamang siya nang malalim at ibinalik ang atensyon sa binabasa. Mabuti na lamang at hindi naman pala iyon ang plano ng dalaga, kung sakali ay kakaripas na siya ng takbo at hihingi na lamang nang maraming paumanhin dito.

Saglit na nagawa niyang hindi ito pansinin. Saglit na ang naririnig niya lamang ay ang tunog ng tubig sa batis. Saglit na ang binabasa lamang niya ang nabibigyan niya ng buong atensyon. Saglit na kunwari sa iba nakatuon ang atensyon niya.

Hanggang sa naisip niyang itaas ang ulo at tignan kung naroroon pa si Manuela.

Nakaupo ang dalaga sa batuhan at payapa ang ekspresyong gumagawa ng koronang bulaklak. Subalit sa mga mata naman nito'y nakikita niya ang pagtatagis ng emosyon. Mukhang may iniinda ito at pilit na iwinawaksi lamang gamit ang paggawa ng kung ano.

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon