Talunan

69 0 0
                                    

Sa bawat pagtawa,

Alam kong tutulo ang luha.

Sa bawat pag-ngiti,

May kirot na mananatili.

Sa bawat ligaya,

Hindi maglalaun ay mapapahiya.

Sa bawat pagpapamalas ng lakas,

Kahinaan ay lalabas.

Sa bawat tagumpay,

Alam kong ako ay sasablay.

Sa bawat nararanasang panalo,

Darating ang masakit na pagkatalo.

Sa bawat pagtatago,

Muli't-muli ay makikita't mabibigo.

At sa bawat pagsugod,

Sa kalaban ay luluhod.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon