Tagumpay

9 0 0
                                    

Sa bawat lugar na aking napuntahan,

May mga bagay ako na natutunan.

Mabuti man ito o masama,

Ginagawa ko naman ito ng tama.

Marami akong mga karanasan,

Na mahirap makalimutan.

Malungkot man ito o masaya,

Ginawa ko naman ito ng may laya.

Marami na akong napagdaanan sa buhay,

At hanggang ngayon ito'y aking tinataglay.

Ang mga karanasan ang nagiging batayan,

Sa aking kinabukasan.

Mailap man ngayon as akin ang tagumpay,

Matiyaga pa rin akong maghihintay.

Balang araw kayo ay magugulat,

Sa aking tagumpay na ipapakita ko sa lahat.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon