Noon at Ngayon

52 0 0
                                    

Napakabilis ng takbo ng panahon,

Hindi ko nga namalayan ang paglipas ng mga taon.

Tatlong taon na pala ang nakalipas,

Nang sa minamahal ko ginugol ang aking oras.

Dalawang taon na noong ako'y sumabit,

Kay maganda na pumayag namang magpasabit.

Isang taon na noong ang aking mga kaibigan,

Ang napili kong sandalan.

Ngayon ako'y naglalakad sa dilim,

Habang nag-iisip ng malalim.

Nag-iisa't wala man lamang kasama,

Habang inaalala ang mga panahong lipas na.

Bakit ganito ang nangyari?

Tanong ko sa aking sarili.

Masaya naman ako dati,

Nguni't ngayon, wala man lamang bumabati.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon