Kaalamang Huwad

1 0 0
                                    

Sa paghahanap ko ng liwanag sa madilim na daanan,

Nakilala ko ang isang katauhan.

Sa unang tingin ay maamo't maaasahan,

Kaya madali ko siyang pinagkatiwalaan.

Kami'y naging magkaibigan,

At magkasalo sa bawat kasiyahan.

Bawat hakbang niya'y aking sinusundan,

Sa pag-aakalang tama ang aking dinadaanan.

Hindi ko mapagkakailang marami akong natutunan,

Sa pagsunod ko sa kanyang mga hakbang.

Natutu akong lumaban,

Para sa pansariling kapakanan.

Natutu akong manindigan,

Upang hindi mahusgahan.

Ako ay naging mapangahas,

Sa paghamon ng bawat bukas.

Nagawa kong pagtawanan,

Ang mga pangaral ng karamihan.

Nagawa kong manlait ng kapwa,

At hayaan silang masaktan at lumuha.

Tadhana'y nagawa ko pang paglaruan,

Sa pagpapakalat ng mga huwad na kaalaman.

Nagawa kong guluhin ang kapalaran,

Sa pagtatago ng katutuhanan sa likod ng isang kasinungalingan.

Lahat ng ito'y aking natutunan,

Sa kamay ng nakilalang katauhan.

Sa pag-aakalang maiaahon niya ako sa madilim na daanan,

Ay unti-unti na pala akong nilamon ng kadiliman.

Ngayon ako'y nabubuhay sa kawalan,

Habang pinagbabayaran ang mga nagawang kamalian.

Sana nga lamang ito'y may katapusan,

Sapagkat ako ngayon ay nahihirapan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon