Tatlong Kulay ng Kaligayahan

18 0 0
                                    

Papaano ba mailalarawan,

Ang tinatawag na kaligayahan?

Papaano ba ako naging masaya?

At papaano ba ito nagsimula?

Napakahirap ipaliwanag ng nararamdaman,

Matatawag na ba itong kaligayahan?

Sa kabila ng mga pasakit at pighati,

Bakit nagagawa ko pang ngumiti?

Naging masaya sa minamahal,

Na siyang nagbuhos ng walang kapantay na pagmamahal.

Naging masaya kasama ang mga kaibigan,

Habang binubuo ang walang katulad na samahan.

Naging masaya sa gabay ng pamilya,

Sa pagtahak sa daang mapayapa.

At higit sa lahat, masaya sa kandungan ng Panginoon,

Pasasalamat ang tangi kong alay,

At sa pagdaan ng panahon,

Tatlong kulay na Kanyang ibinigay,

Ang naghari sa madilim kong buhay.

Sa minamahal ay pula,

Na sa aki'y ay nagbigay ng pagmamahal at pag-aaruga.

Sa mga kaibigan ay dilaw,

Na sa buhay ko'y nagsilbing mga ilaw.

At higit sa lahat,

Sa nagbigay sa akin ng pagtitiwalang sapat.

Berde, ang aking alay sa natatangi kong pamilya,

Sa pagmulat sa aking isipan kung papaano mamuhay ng mapayapa.

Sa tatlong kulay ko inilalarawan,

Kung ano nga ba ang kaligayahan.

Pagmamahal, pakikiisa, at kapayapaan,

Ang dahilan ng aking tinatamasang kasiyahan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon