Basang Sisiw

2 0 0
                                    

Mahirap para sa akin ang lumipad,

Sapagkat hindi naman ako ganoon ka hubad.

Hanggang tingin na lamang ako sa itaas,

Dahil isipan ko'y hindi naman ganoon ka bukas.

Wala akong maipagmamalaki,

Kasi wala naman akong masabi.

Hindi ako naiiba,

Sapagkat wala naman akong  nagagawang kakaiba.

Sumusunod lamang ako,

Dahil nasanay na ako na nauutusan lamang ninyo.

Hindi ako makauna sa lahat,

Dahil nasanay na ako na laging nangungulilat.

Ninanais ko man na mauna,

Hindi ko naman ito magagawa.

Ninanais ko man na mag-utos,

Wala naman akong natatapos.

Ninanais ko man na maging iba,

Nguni't para saan pa ba?

Ninanais ko man na magmalaki,

Nguni't kayabangan lamang ang aking masasabi.

Ninanais ko man na makarating sa itaas,

Wala namang pintuan na nakabukas.

At ninanais ko man na lumipad,

Wala naman akong lakas ng loob para umusad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon